Lunes, Agosto 15, 2011

Ang Komento ni Anonymous kay Maestro Opmaco (Ika-Walong Bahagi)

Ang Daan Patungo Sa Atin
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-daan-patungo-satin.html


-Malakas ang ulan. Walang masakyan.
Buti na lang may masisilungan.
Salamat sa waiting shed sa daan.
Hindi naman sana ako magtatagal
papatiliin ko lang sana ang ulan
pero parang ako ay napipigilan
hindi dahil ang babae sa tabi ko'y kagandahan.
Napansin ko lang yung oras ay bumagal.
Hindi ko alam kung bakit.
Parang may kakaiba sa waiting shed na ito.
Parang may dahilan para manatili ako dito.
Hindi naman ganap na kaakit-akit
pero sukat kong pag ako'y umalis daanan ko'y papait.

Ganoon pa man, tila may nakatambay na.
Sadyang kanya na itong inukyupa.
Parang walang balak mag-pa-tambay ng iba.
Pero nagmatigas ako at nanatili sa ilalim mo.
Hindi mo man gusto, sa waiting shed mo safe ako.
Alam ko, matatagalan siyang umalis
Kahit ba hampasin niya ako ng walis.
Nandito lang ako, babantayan kita,
makikipag tigasan ako sa kanya.
Sasakay din yan sa bus na darating.
Tuluyan ko ng mapapakita sayo ang aking lambing.
Maniwala ka, pag pinalitan ka na o tatagalin ka nila,
susundan kita kahit sa junk shop pa.


Ang Piliin Natin Ni Opmaco
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-pinili-natin.html


-Sa isang kaperasong papel nakalagay
ang mga sagot. "Kodego" kung
tawagin. Hindi ako sigurado kung ano
ang isasagot ko, hindi naman kasi
napag-aaralan ang subject na mag-kaklase
tayo. Wala akong notes, wala tayong
guro. Ang meron lang ikaw at ako.
Ikaw ang unang tumayo at naglagay
ng papel sa mesa. Makita ko ang sagot mo
sa huling tanong "Isang "OO" para sa ibang tao."
Yung lumabas ka ng classroom, hindi na
kita hinabol. Doon pa lang, pinalaya na
kita. Hindi na ako nagtanong sayo. Kaso
ang problema ko, pag dating ko sa labasan
ng ating eskwelahan. Nandoon ka. Nagtatanong
kung ano ang sagot ko. Syempre IKAW! Wala
namang iba. Pero hindi ako tanga. Wala naman
tama o mali sa mga sagot nating dalawa.
Pero may tama tayong dapat gawin para sa
isa't-isa. Yun ang maging malaya. Ikaw sa
piling niya at ako para sa aking sarili.


Ang hindi Paghinto Ni Opmaco
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-hindi-paghinto.html


-Tuloy ang byahe ng buhay ko.
Iibahin ko na rin ang ruta ko.
Papalayo sa unang daang tinahak ko.
Gusto kalimutan ang daan patungo sayo.
Pero hindi. Mali. Hindi ko siya kailagan kalimutan.
Ang kailangan lang, wag ko ng muling daanan.
Hindi naman ako nagsisisi na napadaan ako
sa lugar mo at panandaliang huminto para sa
makulay na kwento. Dahil sa sandaling panahon na
yun naging masaya naman ako. Nagkataon lang,
ngayon iba na. Hindi na ko pwedeng manatili pa.
Alam ko namang yung huminto ako at umupo.
Pag samantala lang siyang nawala sa tabi mo.
Hindi na ako mananatili pa, Hindi dahil mali.
Mali dahil hindi pwedeng dalawa kami.
Hindi naman sa mapili ako. Gusto ko lang ipalam
sayo na kuntento na ako na minsan akong naging
parte ng buhay mo. Sana ikaw din para sa akin.
Kaya kung maari lang isasara ko na ang pinto
ng aking sasakyan. Lilisan na ako patungo sa
panibagong kwento ng buhay ko.
Kasama ang panibagong taong makakakwentuhan ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento