Linggo, Setyembre 18, 2011

LAGPAS


Minsan may mga tao tayong pinalalampas.
Hindi dahil hindi siya swak sa buhay mo.
Hindi dahil hindi kayo parehas ng nararamdaman
para sa isa't - isa. Nasaktohan lang na
hindi akma ang oras para sa inyong dalawa.
Na kahit ba mala pelikula ang kwento niyong dalawa.
At perpekto ang eksena kahit maraming aberya.
Na kahit pa alam niyong malapit ng matapos
ang eksena niyong dalawa nagawa niyo pa ding
maging masaya. Ang pagpapalagpas natin sa isang
tao, parang pag-aalaga lang na isang puno.
Na kahit gaano na kalalim ang ugat nito, kung
hindi pa hinog ang bungga niya, hindi pa natin
pwedeng pitasin. Pag pinilit natin, may posibilidad
na hindi magandan ang kakalabasan. Kailangan,
hintayin natin siyang mahinog para sa pag pitas
natin nito, swak sa panlasa ng mga tao.
Pinalalampas natin sila dahil 'Hindi tama o Hindi
pwede." Hindi pwede dahil may iba siya. Hindi pwede
dahil may iba ako. hindi pwede kasi ayaw ko. Hindi
pwede kasi ayaw niya. Hindi pwede kasi ayaw nila
mama at papa. Pag-pinilit, hindi na siya tama.
Kahit ba alam niyong wala naman talagang mali
o tama sa nararamdaman niyong dalawa. Kailangan
palagpasin niyo ang isa't - isa. Darating din naman
na magkikita kayong dalawa at hika nya ni OPMACO,
posibleng masabi mo o niya yung mga salitang,
“Uy ikaw! Ikaw na yun muntik kong pinalampas.”

**Ito ay komento sa blog na ito:
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/09/ang-taong-iyong-pinalampas.html
Visit the blog site. She's good. :)

Biyernes, Setyembre 16, 2011

OFF

Ito ako yung wala ka. Isang daan, tatlumpo't limang araw akong ganyan.
Hinintay kang muli ako bigyan ng liwanag. Natapos ang aking pag hihintay.
Akala ko pwede ng i-on ang aking ilaw pero mali hindi pala.
Binigyan mo nga ako ng pagkakataon. Pero para mo naman akong ikinulong sa kahon.
Ninais mong pumailalim sa liwanag ko pero ibang bumbilya ang dala mo.
Paano ko naman gagawin yun? Pinili ko nalang wag sumindi.
Mas mainam ka na sa liwanag ng bagong bumbilyang dala mo. 
Mas mabuti pa siguro na pundido muna ako. Siguradong sisindi rin ito,
para sa susunod na taong tatambay sa ilalim ko. Baka naman sa pag-kakataong
iyon, yug taong tatambay sa ilalim ng ilaw ko, makontento na sa liwanag na dala ko.


**Hindi ako makapag-isip. Block out pati ang utak ko..

Huwebes, Setyembre 8, 2011

ANG MAG-PARTNER

"Halika inom tayo!" - Gasgas pero mahirap tanggihan na paanyaya.
Lagok doon. Kwento dito. Hithit dyan, buga dito. Yan ang karani-
wang eksena sa isang duelo o kwentong grupo. Lalo na pag si Pare
ay napendeho o si Mare ay niloko. Lagi kong iniisip bakit ba pag-
iinom hindi pwedeng mawala ang sigarilyo/yosi. Ilang mga kaibigan
ang nag sabi "Partner sila or Partner yan e." Hindi naman natin
yun matatangi. Pag nasa mesa mo ang bote ng alak asahan mo nandyan
ang isang kahang yosi/sigarilyo. Naisip ko lang, kung partner sila.
Nakaka-ingit naman. Kasi sila hindi naghihiwalay laging magkasama
lalo na sa oras na ang mga taong mag-kapartner ang naghihiwalay.
Si yosi, kayang mag-isa at isatisfy isang tao. Si alak, kayang
palipasin ang oras ng isang tao. Buti pa si Alak may yosi.
Buti pa si yosi, may alak. Sila ang perfect combination.
They can work alone and they can work better together.


**Kung alak ako, sana ikaw na lang yung yosi. Partner tayo?

Lunes, Agosto 15, 2011

Ang Komento ni Anonymous kay Maestro Opmaco (Ika-Walong Bahagi)

Ang Daan Patungo Sa Atin
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-daan-patungo-satin.html


-Malakas ang ulan. Walang masakyan.
Buti na lang may masisilungan.
Salamat sa waiting shed sa daan.
Hindi naman sana ako magtatagal
papatiliin ko lang sana ang ulan
pero parang ako ay napipigilan
hindi dahil ang babae sa tabi ko'y kagandahan.
Napansin ko lang yung oras ay bumagal.
Hindi ko alam kung bakit.
Parang may kakaiba sa waiting shed na ito.
Parang may dahilan para manatili ako dito.
Hindi naman ganap na kaakit-akit
pero sukat kong pag ako'y umalis daanan ko'y papait.

Ganoon pa man, tila may nakatambay na.
Sadyang kanya na itong inukyupa.
Parang walang balak mag-pa-tambay ng iba.
Pero nagmatigas ako at nanatili sa ilalim mo.
Hindi mo man gusto, sa waiting shed mo safe ako.
Alam ko, matatagalan siyang umalis
Kahit ba hampasin niya ako ng walis.
Nandito lang ako, babantayan kita,
makikipag tigasan ako sa kanya.
Sasakay din yan sa bus na darating.
Tuluyan ko ng mapapakita sayo ang aking lambing.
Maniwala ka, pag pinalitan ka na o tatagalin ka nila,
susundan kita kahit sa junk shop pa.


Ang Piliin Natin Ni Opmaco
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-pinili-natin.html


-Sa isang kaperasong papel nakalagay
ang mga sagot. "Kodego" kung
tawagin. Hindi ako sigurado kung ano
ang isasagot ko, hindi naman kasi
napag-aaralan ang subject na mag-kaklase
tayo. Wala akong notes, wala tayong
guro. Ang meron lang ikaw at ako.
Ikaw ang unang tumayo at naglagay
ng papel sa mesa. Makita ko ang sagot mo
sa huling tanong "Isang "OO" para sa ibang tao."
Yung lumabas ka ng classroom, hindi na
kita hinabol. Doon pa lang, pinalaya na
kita. Hindi na ako nagtanong sayo. Kaso
ang problema ko, pag dating ko sa labasan
ng ating eskwelahan. Nandoon ka. Nagtatanong
kung ano ang sagot ko. Syempre IKAW! Wala
namang iba. Pero hindi ako tanga. Wala naman
tama o mali sa mga sagot nating dalawa.
Pero may tama tayong dapat gawin para sa
isa't-isa. Yun ang maging malaya. Ikaw sa
piling niya at ako para sa aking sarili.


Ang hindi Paghinto Ni Opmaco
http://tongueinalung.blogspot.com/2011/08/ang-hindi-paghinto.html


-Tuloy ang byahe ng buhay ko.
Iibahin ko na rin ang ruta ko.
Papalayo sa unang daang tinahak ko.
Gusto kalimutan ang daan patungo sayo.
Pero hindi. Mali. Hindi ko siya kailagan kalimutan.
Ang kailangan lang, wag ko ng muling daanan.
Hindi naman ako nagsisisi na napadaan ako
sa lugar mo at panandaliang huminto para sa
makulay na kwento. Dahil sa sandaling panahon na
yun naging masaya naman ako. Nagkataon lang,
ngayon iba na. Hindi na ko pwedeng manatili pa.
Alam ko namang yung huminto ako at umupo.
Pag samantala lang siyang nawala sa tabi mo.
Hindi na ako mananatili pa, Hindi dahil mali.
Mali dahil hindi pwedeng dalawa kami.
Hindi naman sa mapili ako. Gusto ko lang ipalam
sayo na kuntento na ako na minsan akong naging
parte ng buhay mo. Sana ikaw din para sa akin.
Kaya kung maari lang isasara ko na ang pinto
ng aking sasakyan. Lilisan na ako patungo sa
panibagong kwento ng buhay ko.
Kasama ang panibagong taong makakakwentuhan ko.

Mary Who?

















Isang kabanata ang natapos.
Parang ang istorya natin ay kapos.
Kulang pa sa timpla per natapos na?
Hindi na kasi natin natagalan pa.
Hindi ko nagawang panindigan ka.
Para saan pa?Nakapili ka na?
Oo pa ang isinagot mo sa kanya.
Nakakalungkot, naiiyak ako.
Hindi ko akalain hanggang dito lang tayo.
Noon lang, nagawa nanatiung mag-plano
pero lahat ng iyon naglaho.
Bigla ka kasing nagbago.
Bigla naman akong nalayo sayo.
Ang bilis ng pangyayari, hindi ko mawari.
Hindi ko namalayan, ikaw na ay nakapili.
Pero walang pagsisisi.
Ikaw pa rin ang aking natatangi binibini.
Yung pagmamahal ko sayo hindi naman mawawala
pero posibleng may pagbabago.
Hindi na pwede katulad nung una,
Dahil hindi naman tayo.
Kahit minsan nagkaroon ng ikaw at ako.
Ngayon na ikaw ay maglalakad na sa gitna
iba na ang aking sambit.
Hindi na tulad ng una kong salita na
"I mary you!" bagkos ngayon ay
"I mary who?"


**Malaya na tayo..Hanggang sa muli. :)


Si Mommy at Si Nanay "Estella"

Si Mommy..

July 31,2011(Linggo). Pumunta ako doon para kumain. I'm alone.
May isang supistikadang matandang babae ang lumapit, Sabi "Hi! Can i seat?"
Since mag-isa ako. I let her seat. She asked, "Nag-tatrabaho ka Iha?"
Sagot ko "Yes Mam." Sabi nya "Good. How old are you? I'm Estella."
Rolyn: "22 po. Ako po si Rolyn, Mam Estella."
M'Estella: "Ano ka ba?Mommy Estella nalang."
Rolyn: "Okay po."
M'Estella: "Rolyn, you continue to eat but listen to my story.
I'm waiting for my adopted daughter. She's 22, like you. When she's 18,
nalaman nya that she is my adopted daughter. Nagalit. Then she walked
away. Today is the date when she left us. Eksaktong 4years bago siya
makikipag-kita sa akin. Sabi niya ipapakita daw niya ang
kanyang diploma. Ako naman agad-agad, proud ako sa kanya. gusto ko din kasi siyang makita.
You know my legitimate child na nasa states na ngayon, pag nalaman ito. Magagalit.
Ayaw na nya na makita ko si Andrea. Pero siyempre Nanay ako, ako
din ang nagpalaki sa kanya. Kaya gusto ko din siyang makita. I'm excited
and scared you know ehy baka kasi umalis agad. Sana mag stay siya
ng kahit ilang minuto no? Gusto ko na nga umorder ng food para pagdating nya,
kakain kami. What do you think?"
-Actually, hindi na ako nakasagot nyan. Kasi yung adopted child nya biglang
dumating. Sabi "Mommy!(Sabay yakap)." Nahiya naman ako, kaya tumayo na ako.
I suppose to leave right away pero pinakilala muna ako ni Mommy Estella
kay Andrea. Then i leave. I saw them really happy. Nakaktuwang tignan.

**Lesson learn? Simple. Babalik at babalik ka sa taong minsan naging parte ng buhay mo.
Lalo na kung malaki ang naitulong nito sayo kung ano ka ngayon.

Si Nanay..

August 15,2011 (Monday)
Naglalakad ako pauwi. Nagmamadali ako kasi may pupuntahan pa. Tapos
may isang Matandang babaeng naka-upo sa harang para sa mga tubo ng tubig.
Malayo pa lang nakatingin na ako sa kanya. Parang may mali kasi. Lalagpasan
ko sana kasi yung malapit na ako sa kanya. Ngumiti naman. Kaya akala ko
she's okay. Pero hindi, huminto ako. Sabi ko, "Taga dito po kayo Nay?"
Sagot nya "Hindi Iha. Hinhintay ko yung anak ko na lumabas dyan. (Tinuro
yung malaking bahay.)" I asked "Kanina pa po kayo?Alam po ba nya na nandito
po kayo?" Hindi na sumagot ngumiti lang. Nag paalam na ako. Kaso yung lumagpas
ako sa kanya may lalaking lumabas sa gate sabi "O!Nandito pa kayo Nay? Nagtanghalian
na po ba kayo?" Ayon, bumalik ako. Dahil Epal ako. Sabi ko kay Nanay "Ako po
si Rolyn Nay. Kayo po?" Sagot nya "Nanay Estella anak," Nag-imbento ako
sabi ko hindi ako makapasok sa bahay namin. Kasi nasaraduhan ako, walang susi kaya
sasamahan ko na lang siya. Pumayag naman. 40mins ago habang ginagwa ko ito. Lumabas
ng bahay yung anak nyang babae inabot sa harap ko ang P500 at sinabi sa kay Nanay
Estella "Ano ba yan nay. Puro nalang kayo pera. Ginagatasan nyo ako." (That is the
exact word i heard. Walang labis, walang kulang.) Si Nanay Estella naluluha. Sabi nya
para daw sa bunson anak ang pera kasi may sakit. Kinamusta nya yung anak nya, hindi
sumagot. Sabi pa "O cge na. Umalis na kayo." Yayakap pa sana si Nanay, kaso hindi
natuloy. Humawak na lang siya sa anak nya. Kasi tumalikod na.
-Hinatid ko na lang si Nanay Estella sa sakayan. Sa pampanga pa pala ang uwi.
Nakakalungkot. Malayo sa eksenang nakita ko kay Mommy Estella.

**Lesson learn: Wag tayong makakalimot kung saan  at kanino tayo nang galing. 




++Hindi ko Akalaing sila ang magutulak sa aking gumawa ng blog. Parang hindi kasi sapat na maikwento ko lang. At iilan lang ang pwedeng maka-alam. Lahat tayo ay nang galing sa pagiging anak at sa darating na panahon na magiging magulang din tayo. Mararanasan din ang sarap at hirap ng pagiging isang magulang o nanay. Kaya dapat maging mabuti tayong Anak at mahalin natin ang ating Magulang.