Martes, Disyembre 3, 2013

WALANG TITLE

Golden Rule : Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gagawin sa iba.

Hindi ko ugaling tignan ang mali sa ibang tao, depekto ko palang sulit na sulit na ako. Pagkakamali ko palang, punong puno na ako. Hindi ako perpektong tao, hindi ako ikaw na kayang itago ang depekto. Hindi ako siya na parang walang maling ginagawa sa mundo.

Ayaw kong sumakay sa mapanukso mong barko. Hindi ako nagmamadali, sukat ko ang tinatahak ko. Ikaw nalang muna dyan kasama ng mga mas matataas na tao, kayo nalang dyan sa hindi niyo barko. Ang paniniwala ko manatiling nasa baba habang buhay. Oo! Nais kong umangat pero mananatili ang paa ko sa lupa. Ang lahat ng meron ako pinag-hihirapan ko. Hindi ako matalino, diskarte at abilidad lang ang dahilan kung bakit tuloy tuloy ang biyahe ko. Walang shortcut sa dagat kung hindi ako magpupursige sa pag-sagwan, hindi ako uusad. Mabagal man ang usad ko, alam ko sa sarili ko kung saan ako patungo.

Ang nais ko lang malaman mo, sa sobrang talino mo nakalimutan mo ng mag-isip. Parehas lang tayo ng patutunguhan kaya maging humble ka. Manatili ka sa nakatapak sa lupa baka pag bagsak mo lahat ng meron ka bumagsak din sayo.

Ang tunay na yaman hindi sa kapal ng wallet nakikita, nasa tunay na taong nanatili pag wala ka ng pera. Tandaan mo, Ang yaman - panandalian. Ang kaibigan - habang buhay.


**Ayaw ko ng taong walang utang na loob nung panahon hindi mo makilala kung sino ka, ako lang ang nandyan para sayo. Wala ang mga putapeteng sosyal na mga kabisyo mo. Hindi kita sinusumbatan pinapaalala ko lang sayo. Huling tapak mo na sa akin ito. Sa susunod na tatapak ka ulit sa akin sinisigurado ko mababaon ang paa mo. Break na tayo.** 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento