Usad Bangka - Mabagal pero sa dulo makakarating ka sa patutunguhan mo. Hindi minamadali ang buhay pero pwede nating gawin madali ang pamumuhay. Usag bangka ka man, kung alam mo kung saan ka pupunta, sigurado, makakarating ka. :)
Linggo, Disyembre 1, 2013
Ang Pinto
Noon pa man, pangarap kong makapasok sa pinto mo. Gusto kong malaman kung anong mundo ang ginagawalan mo. Gusto kong maging parte ng mundo mo pero sa tuwing nagtatangka ako, sarado ito para sa ibang tao. Nung minsan namang bukas ito, hindi ako makalabas sa pintong napasukan ko. Yung panahong nakalabas ako parang wala ka ng balak magpa-pasok. Ilang beses akong sumubok kumatok, pinagbubuksan mo ako pero hindi mo ako pinatutuloy. Marahil ay hindi ka pa handa para sa panibagong taong papasok sa pinto mo. Ginawa kong tumambay sa tapat mo para sa araw na magbukas ka, makapasok ako. Pero sa tuwing nag-bubukas ka, hindi ako ang pinatutuloy mo. Tuwing nakikita mo ako hanggang sa labas lang pinto ang alok mo sa akin. Maluwag ko naman tinatangap iyon. Sapat na sa akin na kahit papano alam mong nag-aabang ako. Hindi ako napapagod o mapapagod mag hintay. Alam kong darating ang araw na tuluyan mo na akong papapasukin sa pintuan mo. Sa oras na iyon ipaparamdaman ko sayong hindi ka nagkamali ng taong pinapasok. Iingatan ko ang susi sa pintuan ng buhay mo.
**Gusto kong malaman mo na noon pa man bukas na ang pinto para sayo. Ikaw lang ang hinihintay ko. Parangap kong maging iisa ang pinto nating dalawa.*
**Roman**
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento