Usad Bangka - Mabagal pero sa dulo makakarating ka sa patutunguhan mo. Hindi minamadali ang buhay pero pwede nating gawin madali ang pamumuhay. Usag bangka ka man, kung alam mo kung saan ka pupunta, sigurado, makakarating ka. :)
Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
SANA PWEDE
1.) Hindi ko alam yung ginawa ko. Ginusto ko yun pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginawa ko. Ngayon na parang hindi maganda ang lahat at yung saya hindi pala sapat doon ko lang nakitang mali ang ginawa ko. Lahat ng saya ko noon sa kanya panandalian lang. Naiwan yung sakit na hindi ako masaya at hindi ko siya napapasaya. Yung nalaman kong ikaw pala, lumagpas ka na. Hindi na kita kinayang habulin. Nakalayo ka na.
Kung sana pwedeng ibalik yung dati, ibabalik ko kung anong meron tayo. Ibabalik ko yung oras na kahit ang bigat bigat na, nakakaya ko pa din kasi nandyan ka. Sana pwede pang ibalik yung oras na nandyan ka lang at kahit ganoon ka ka-busy darating ka. Sana pwede ibalik yung oras na wala tayong ibang ginawa kundi tumawa. Sana pwede pang maging tayo ulit. Sana pwede na ako nalang ulit. Sana ikaw nalang ulit.
2.) Bakit ba ganito parang wala tayong problema pero meron naman pala. Akala ko hindi ko nakita, nakita ko naman pala hindi ko lang tinignan. Naramdaman ko naman na pala, hindi ko lang pinansin. Hindi naman ako naging madamot. Sana pwede nalang akong maging madamot. Sana pwede maging mas matigas pa ako. Sana pwede na lang maging ibang tao. Sana pwede na lang na ibalik ang dati tulad ng hiling mo. Pero hindi na pwede, hindi pwede kasi hindi mo kaya. Hindi pwede dahil iba na ako. Hindi pwede kasi hindi tayo nagtatagpo. Sana pwede na walang munang tayo. Sana pwedeng wala nalang balikan pero hindi nagkakalimutan. Sana pwedeng ganoon nalang. Sana pwedeng magka-intindihan tayo. Sana pwedeng ganito nalang muna tayo.
3.) Hindi ko alam kung paano ko itatago. Hindi ko alam paano pa ako magtatago. Lagi dumarating sa point na tuwing ininatago ko pag nandyan ka na, naipapakita ko pa din. Yung una hindi ko na alam yung ginagawa ko pero hindi ko naman pinagsisisihan yung nagawa ko. Hindi ko gustong baguhin ang mga pangayayri. Wala man kasiguraduhan ang lahat hindi ako natatakot, hindi naman ako dapat matakot. Ang hiling ko lang sana pwede mas smooth pa. Sana pwedeng walang hot and cold. Sana pwede na ganito lang. Sana pwede hindi na ito huminto. Sana pwede nandyan ka lang. Sana pwede na hindi na ito matapos. Sana pwede nalang.. Sana pwede.
*May mga sana na hindi pwede. May pwede pero hanggang ngayon sana pa rin. Kaya nga sana pwede kasi possible. Kaya nga sana pwede kasi sa ngayon hindi pa pwede. Kaya nga sana pwede kasi nanalig tayo. Kaya nga sana pwede kasi baka hindi talaga pwede..**
**Klemmer**
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento