Dati
gusto kong bumalik sa loob ng kahon na kinabibilangan ko. Yung dumating
ka sa buhay ko, Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko parang bigla
akong naka-ahon at nakabangon sa hindi inaasahan pag-kakataon. Akala ko
mapapagod na ako pero hindi, hindi ako napagod. Sobrang sarap sa
pakiramdam kasi kasama kita. Ikaw na hindi ko akalaing kakapitan ko.
Inabot mo ako, hinawakan mo ang kamay ko at inalalayan mo ako. Akala ko
noon hindi pwede at impossible mangyari pero hindi pala totoo yung
salitang impossible lalo na pag ikaw yung taong nasa tabi ko.
Iba
ang pakiramdam ko pagkasama kita parang kahit puro negative ang nasa
paligid nagiging positive pa din. Kahit malungkot na nagagawa ko pa din
maging masaya. Kahit hindi naman nakakatawa nagagawa ko pa din tumawa.
Kahit kulang sa pahinga nagagawa ko pa din maging masigla. Iba yung
spirit sa palagid pag nandyan ka sa tabi ko. Lahat nagagawan ng paraan,
Lahat nagiging magaan.
Hindi
ko akalaing sayo ako makakuha ng ibang landas. Hindi ko nakitang sayo
pala ako huhugot ng lakas. Hindi ko pinagsisisihan yung araw na tuluyan
ko iniwan yung nakaraan. Kung hindi ko ginawa yun hindi ko malalamang
may taong katulad mo. Hindi ko alam kong paano ako makakausad noon pero
yung binagyan mo ako ng oras, ibang iba na ako ngayon. Iba na ako dahil
sayo. Masaya ako ng dahil merong isang ikaw sa buhay ko ngayon. Salamat
Boss.
**Boss, Gusto kong malaman mong sobrang laking tulong mo sa akin. Gusto kitang yakapin.**
Sir, ang sweet mo naman kay boss. Well done.
TumugonBurahinMinsan talaga yung mga taong hindi mo inaasahan yung taong sa dulo hindi ka iiwanan. Swerte mo kay boss.
TumugonBurahinYakapin mo na!
TumugonBurahinNice! Sir pwede ng yakapin yan...
TumugonBurahin