Biyernes, Nobyembre 15, 2013

PARA KAY BOSS



Dati gusto kong bumalik sa loob ng kahon na kinabibilangan ko. Yung dumating ka sa buhay ko, Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko parang bigla akong naka-ahon at nakabangon sa hindi inaasahan pag-kakataon. Akala ko mapapagod na ako pero hindi, hindi ako napagod. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi kasama kita. Ikaw na hindi ko akalaing kakapitan ko. Inabot mo ako, hinawakan mo ang kamay ko at inalalayan mo ako. Akala ko noon hindi pwede at impossible mangyari pero hindi pala totoo yung salitang impossible lalo na pag ikaw yung taong nasa tabi ko.

Iba ang pakiramdam ko pagkasama kita parang kahit puro negative ang nasa paligid nagiging positive pa din. Kahit malungkot na nagagawa ko pa din maging masaya. Kahit hindi naman nakakatawa nagagawa ko pa din tumawa. Kahit kulang sa pahinga nagagawa ko pa din maging masigla. Iba yung spirit sa palagid pag nandyan ka sa tabi ko. Lahat nagagawan ng paraan, Lahat nagiging magaan. 

Hindi ko akalaing sayo ako makakuha ng ibang landas. Hindi ko nakitang sayo pala ako huhugot ng lakas. Hindi ko pinagsisisihan yung araw na tuluyan ko iniwan yung nakaraan. Kung hindi ko ginawa yun hindi ko malalamang may taong katulad mo. Hindi ko alam kong paano ako makakausad noon pero yung binagyan mo ako ng oras, ibang iba na ako ngayon. Iba na ako dahil sayo. Masaya ako ng dahil merong isang ikaw sa buhay ko ngayon. Salamat Boss.


**Boss, Gusto kong malaman mong sobrang laking tulong mo sa akin. Gusto kitang yakapin.**


4 (na) komento:

  1. Sir, ang sweet mo naman kay boss. Well done.

    TumugonBurahin
  2. Minsan talaga yung mga taong hindi mo inaasahan yung taong sa dulo hindi ka iiwanan. Swerte mo kay boss.

    TumugonBurahin
  3. Nice! Sir pwede ng yakapin yan...

    TumugonBurahin