Martes, Nobyembre 12, 2013

CRUSH LANG KITA NOON

CRUSH! CRUSH! Yung umpisa palang humahanga na ako sayo. Hindi mo ako kilala noon pero kilala kita. Madalas kitang napapansin, madalas nga din akong nananalamin baka kasi bigla mo din akong mapansin. Tuwing nakikita kita sinusundan kita ng tingin. Nililingon kita at tinitignan hanggang makalayo sa amin. Hinihintay ko yung oras na mapansin mo ako at tanungin mo naman yung pangalan ko. Pero hindi pa yata oras, wala sa timing lahat. Hindi pa swak.

Nabuhay akong kilala kita kahit hindi mo ako kilala. Hindi ko naman inikot sayo ang mundo ko, nagawa kong mag-welcome ng ibang tao. Yung taong binigyan ako ng pansin yung mga panahong hindi mo ako mabigyan kahit isang tingin. May mga nagdaan na kung minsan kay tagal at minsan may mga dumadaan na talagang hindi nagtatagal.

Yung mga panahon hindi na kita masyadong naiisip o napapasin doon naman dumating yung oras na bigla mo akong binigyan pag-tingin. Ito na! Bigla mo ng tinanong ang pangalan ko - pakiramdam ko tinatanong mo na  kung pwede na ba akong maging parte ng buhay mo. Sa bawat araw na binibigyan mo ako ng atensyon mo yung ngiti hindi nawawala sa labi ko. Tuwing nakikita kita, iba na ang pakiramdam ko.

Ibang iba na ngayon, dati dinadaanan mo lang ako. Ngayon, nilalalpitan mo na ako. Dati ni ngiti hindi mo mabigay sa akin. Ngayon, tumatawa ka na kasama ko. Dati hindi mo ako pinapansin. Ngayon, lagi ka ng nakatitig sa akin. Crush! Crush! Crush lang kita noong bata pa tayo. Ngayon, may ikaw na at ako. Meron ng TAYO!

Timing! Timing ang lahat between you and me. Wala akong hiniling pero binigay ka na ni GOD sa akin.


+Ang Love hindi pinipilit kasi nandyan na yan. God has his perfect time when it will be blossom.+

**Inspired by P and Y. Eh yung totoo, ang cool ng love story nyo. Nakakakilig kaya. Happy for the both of you.**

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento