Usad Bangka - Mabagal pero sa dulo makakarating ka sa patutunguhan mo. Hindi minamadali ang buhay pero pwede nating gawin madali ang pamumuhay. Usag bangka ka man, kung alam mo kung saan ka pupunta, sigurado, makakarating ka. :)
Miyerkules, Nobyembre 6, 2013
WALA NG TAYO pero TAYO PARIN
Bumalik ka pero tumangi akong i-welcome ka. Sinubok mong bumalik ulit kahit alam mong meron na akong iba. Hindi kita pinili dahil sa kanya at dahil mali na. Ilang beses mong sinubok na makita at makausap ako pero pinutol ko ang lahat sa atin. Sa madaling salita, Tinalikuran kita sa napaka daming pag-kakataon.
"Nasaktan kita. Nasaktan mo ako. Nagkasakitan na tayo. Tapos na tayo doon." Parehas tayong naniniwala sa prinsipyong ito. Isang bagay na nagustuhan ko sayo. Sa panahong hindi ko ginawang sabihin sayo ang pinagdadaanan ko dahil sa hiya. Kusang dumating ang tulong mo - ibinigay mo ng buo ang ORAS mo. Sa kabila ng lahat nagawa mo akong kausapin na parang hindi tayo nakasakitan. Doon ko naramdaman ang tibay ng Isang taon at anim na buwan nating pagsasama noon.
Ikaw pa rin yung taong laging nagsasabi sa akin "sobrang bait mo, inaabuso ka ng tao." at ang pinaka masarap sa lahat "Tanga ka kasi." Hindi ikaw si Kyle na minahal ko kung hindi ko maririnig sayo yang mga salitang yan. Nagbago ang pananaw mo sa buhay pero hindi nagbabago ang pakitungo mo sa akin. Tinuturing mo parin akong si Rolyn ang X mong bading!
Nag-gagaguhan pa din tayo. Nagagalit pa din tayo sa isa't isa. Nag-aaway pa rin tayong dalawa. Wala ng tayo pero parang wala naman nagbago sa atin. Ganoon pa rin ang turingan natin, ikaw at ako tandem pa rin. Tandem pa rin sa pananaw sa buhay. Tandem pa din sa bagong darating sa ating buhay. Wala ng tayo pero tayo pa rin ang nag-iindinhan. Wala na tayo pero tayo parin yung sa huli, nag-uunawaan. Wala ng tayo pero tayo pa rin yung hindi nawawalan ng pagmamahalan. Wala ng tayo pero tayo parin ay mag-kaibigan.
**WELCOME BACK TO MY LIFE K! SORRY IF I NEGLECTED YOU. Salamat sa bawat gabing hindi mo muna pag tulog para makausap ako sa pag-gising ko. Salamat kasi hindi mo nagawang talikuran ako. Ikaw pa mismo ang umabot sa akin. Katulad mo handa din akong ibigay ang oras ko sayo. Mahal kita hindi dahil nandyan ka. Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Mahal kita kasi minahal na kita.**
**Sa lahat, hindi impossible na maging kaibigan mo ang X mo. Nasa pinagsamahan yan. It's how much you value the relationship you had together. It's how much you value the person you've been with. It's a matter of time and the happy memories.**
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento