Huwebes, Oktubre 31, 2013

GANITO NALANG TAYO


Bukod sa Bestfriend mo at close friends, There is one constant person na laging nandyan every time na lugmok ka. Yung taong handang iwan yung ginagawa niya at yung mga kasama niya isang tawag mo lang. Yung tipong nakikipagtalo sa partner nila at sasabihin "Kailangan niya ako." Kahit hindi mo naman talaga hinihingi ang oras nila kusa nilang ibibigay sayo. Yung kahit hanggang hating gabi o hanggang umaga nandyan lang sa kabilang linya. Yung tanong daig pa ang nanay mo sa pag-kamusta sayo sa text. Yung taong never naging doubtful sa mga sinasabi mo, yung tanong laging nandyan lang kahit paulit ulit na yung sinasabi mo nakikinig pa rin. Yung tanong bigla kang sasampalin, sasabunutan, itutulak at yayakapin sa panahong umiiyak ka nanaman. Bigla kang hahalikan sa noo o sa ulo tapos sasabihin "Okay lang yan. Magiging maayos din lahat."

That one constant person is more than just a friend to you pero you never cross the line para maging lover. Yung role niya sa buhay mo ay shoulder to lean on, kamay na mahahawakan, likod na masasandalan at kaibigan na hindi mo magiging ka-ibigan. Siya yung noon pa lang tanggap na yung role na yun sa buhay mo pero umaasa pa din. Yung taong laging may pusong napapatay dahil palaging naghihintay sayo. Laging nagtatanong bakit hindi natin i-try? Bakit hindi ako na lang? Tayo nalang? Yung taong sobrang tibay ng loob sabihing "Handa akong maging REBOUND." Yan yung mga oras na nagiisip ka bakit nga ba hindi? Pwede naman.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PEKSMAN, sobrang walang kulang sayo. Sobra ka pa nga e. Minsan naiisip ko ng tawarin yung linya. Pumapasok na sa isip ko nasa hindi na ako tumingin ng iba. Sana yung nandyan ka sa harap ko, niyakap nalang kita. Sana nga tayo nalang kasi pwede naman. PERO HINDI TAMA. Hindi tama kasi mas may taong deserve maging partner mo. Hindi tama kasi broke ako. Hindi tama kasi nasa maling oras at sitwasyon tayo. Hindi tama kasi hindi ako buo. Hindi tama kasi siya pa din. Lagi kong sinasabi sayo at sa lahat WALANG SINOMAN DESERVE maging REBOUND. Hindi kita kailangan bilang REBOUND. Kailangan kita bilang aking PEKSMAN. Yung totoong taong hindi nagsasawa sa akin, yung kahit mali na nakikinig pa din. Ganito nalang tayo.


**Yung role mo sa buhay ko hindi lang pagiging kaibigan, Peksman. Ganito nalang tayo. Hindi man tayo pero merong tayo, merong ikaw at ako. Ganito nalang tayo. Tayong dalawa, hindi tayo mag-iiwan. Hindi tayo mag-hihiwalay. Ganito na lang tayo, ganito nalang Peks. Masaya naman tayo sa ganito.**

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento