"Sobrang daming pagkakataon na inaabot ko siya pero ang taas niya. Hinabol ko pero ang layo na niya at parang hindi ko siya magawang maabutan pa. Grabe yung takbo niya, sobrang tulin at walang balak huminto. Nauubusan na nga ako ng gaas pero hindi naman ako tumitigil. Ito na kahit walang sasakyan pero hinahabol ko pa rin siya. Tumatakbo ako ng walang baong tubig. Tuloy tuloy lang ako at hindi tumitigil baka sakaling mawalan din siya ng gaas at magpang-abot kami. Baka sakali, baka pakinggang niya ako. Baka maisipan niya ulit isabay ako sa paglalakbay niya. Pero HINDI. Naabutan ko siya, huminto siya pero hindi niya ako sinama. Hindi niya gustong makasabay ako sa kanyang karera. Huminto ako pero hindi ako sumusuko. Ipinaglaban ko... Ipinaglalaban ko ang meron kami sa sarili kong paraan."
**Bro,ito yung ginagawa ko na ginagawa mo na ginagawa din ng iba. Wag kang sumuko. Wag kasi hindi dapat at baka pwede pa. Pero kung hindi na tama, TAMA na. Pwede ka ng huminto. **
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento