Huwebes, Disyembre 4, 2014

LOVE LETTER : PERFECT TIMING

To: The love of my life,


I like you more than a decade ago. kaya ang kwento ng pag-ibig natin, iba,
ibang iba sa pang-karaniwan. I knew it from the start that, I like you.
But I can't tell you that I like you. Kasi baka hindi naman pala, kasi baka bata pa,
kasi kaibigan ko ang ang taong malapit sayo. Tuwing dumadaan ka at nakikita kita
wala akong naririnig kundi ang heart beat ko (okay sounds corny pero that's true.)
Yung panahong sa tingin ko kaya ko na panindigan ang mga sinasabi ko,
yun yung time na hindi na talaga pwede sabihin sayo na gusto kita kasi hindi ka na
pwede, meron ng siya sa buhay mo. Yung panahon na wala ng siya sa buhay mo,
ako naman ang meron na. Sa totoo lang, noon hindi na ako umaasa na mag-kaka-roon
ng tayo. Pero I still dream about you. Ikaw pa din yung naka-figure sa isip ko na sana
one day, I can be with someone like you. Umusad ako, tumingin ako ng iba,
nagmahal ako. Dumating yung araw na parehas na walang sila sa buhay natin.
Ang meron lang, ikaw at ako. Hindi naman talaga naging mabilis ang lahat sa
ating dalawa, mukhang mabilis lang kasi magaan, diretcho at totoo ang lahat.
Sabi nga nila "Darating ang tamang oras at panahon." PERFECT TIMING!

I prayed for someone like you and he provided a broken path that led me to you.
I asked him "Totoo na ba ito?" Exactly the same day he answered me through you.
That was 366 days ago from to date, When you first told me that you love me.
I think that it is! Enough for me to claimed that what we have is inevitable.
Hindi naman pilit ang lahat, lahat ito nangyari in God's perfect time.
He empty me and you, so we can be filled with each others.
I believe, it is faith and fate at the same time.


*I love you more than I love bacon. I love you beyond anything and everything in this world.*


From: The one who loves you so much,






Huwebes, Mayo 15, 2014

HAPPY 3rd Month


Happy,

Happy 3rd month to us happy. Here are the things that you may never know I love about you. 

"I love your look when you are sleeping.
I love you more when you burp.
I love you more when you fart.
I love you more when you get mad.
I love you more when you don't have nail polish.
I love you more when you don't have make up.
I love you more when you reacting like a child.
I love you more when you're not in the mood.
I love you more when you don't have slippers.
I love you more when you complaint that you have nothing to wear.
I love every single thing you never thought I would not love about you.
Your imperfections are the beauty I see in you. I love you from head to foot.


Love,

Happy

Lunes, Enero 13, 2014

ANG LOVE




I: Hindi mo na yata ako mahal?
C: Mahal kita.

There is more to life than love sabi nga nila pero hindi totoo yun. Love makes the world go round. Walang ibang rason bakit ka nag-mamahal. Walang taong hindi nag-mamahal.

Ang love walang expiration date. Totoo naman, ang love lagi lang nandyan yan. Hindi yan mawawala. Kaya nga laging nasasabi ng karamihan yung katagang "Love is in the air." Hindi lang pang-inlove yun. Para sa lahat yun. Parang araw at buwan lang yan, may oras na hindi mo nakikita pero alam mo hindi naman nawawala. Parang hangin, hindi mo nakikita pero nararamdaman mo.


**C - Don't hold it back. Baka sa takot mo na wag sumugal ulit, mawala na siya ng tuluyan sayo. Baka sa panahon na maayos ka na, ikaw na yung taong gusto niyang maging hindi na siya ang gusto mo. I, wag mo ng palampasin si C, tanggapin mo na lang siya ulit. Yakapin mo nalang ulit. Baka sa panahong iba na siya, hindi na siya ang taong gusto mo.** 

**Ang akin lang don't hold it back. Kung wala ka namang hinihintay, wag mo ng palampasin. Kung hindi ka naman nag-hihintay, wag mong papalampasin. Ang love hindi nawawala pero yung level at treatment nag-babago. Yung love nananatili pero yung tao hindi. Baka sa takot natin, may napalampas na pala tayo. Habang alam mong, iyo pa. Yakapin mo na ulit. Kung alam mo iyo na siya, yakapin mo na ng mahigpit. Baka the more you let each other grow apart, you guys fall apart. Baka the more na natatakot ka, the more na nawawala na pala siya sayo. Take the risk (para sa second chance and more chances taker. Para sa lahat.) Love is love.**

PS. CHECK THIS LINK: http://tongueinalung.blogspot.com/2014/01/vlog-ang-reason.html

Sabado, Disyembre 21, 2013


You are the light in the dark,
the moon in the night.
The stars in the sky
and the shooting star.

You are the calm wave from the sea,
the perfect sand in the beach.
The music in the wind
and the beauty in the sunset. 

Your are the clouds in the sky.
Your sound is the music when you sleep beside me.
The sunrise begins when I woke up beside you.
You are the beauty in my everyday.

Your are everything normal that others may see
but I appreciate you beyond the beauty in your simplicity.
You are the magic in me.
You are the love inside of me. 

-RMCO


 





 

Martes, Disyembre 3, 2013

WALANG TITLE

Golden Rule : Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gagawin sa iba.

Hindi ko ugaling tignan ang mali sa ibang tao, depekto ko palang sulit na sulit na ako. Pagkakamali ko palang, punong puno na ako. Hindi ako perpektong tao, hindi ako ikaw na kayang itago ang depekto. Hindi ako siya na parang walang maling ginagawa sa mundo.

Ayaw kong sumakay sa mapanukso mong barko. Hindi ako nagmamadali, sukat ko ang tinatahak ko. Ikaw nalang muna dyan kasama ng mga mas matataas na tao, kayo nalang dyan sa hindi niyo barko. Ang paniniwala ko manatiling nasa baba habang buhay. Oo! Nais kong umangat pero mananatili ang paa ko sa lupa. Ang lahat ng meron ako pinag-hihirapan ko. Hindi ako matalino, diskarte at abilidad lang ang dahilan kung bakit tuloy tuloy ang biyahe ko. Walang shortcut sa dagat kung hindi ako magpupursige sa pag-sagwan, hindi ako uusad. Mabagal man ang usad ko, alam ko sa sarili ko kung saan ako patungo.

Ang nais ko lang malaman mo, sa sobrang talino mo nakalimutan mo ng mag-isip. Parehas lang tayo ng patutunguhan kaya maging humble ka. Manatili ka sa nakatapak sa lupa baka pag bagsak mo lahat ng meron ka bumagsak din sayo.

Ang tunay na yaman hindi sa kapal ng wallet nakikita, nasa tunay na taong nanatili pag wala ka ng pera. Tandaan mo, Ang yaman - panandalian. Ang kaibigan - habang buhay.


**Ayaw ko ng taong walang utang na loob nung panahon hindi mo makilala kung sino ka, ako lang ang nandyan para sayo. Wala ang mga putapeteng sosyal na mga kabisyo mo. Hindi kita sinusumbatan pinapaalala ko lang sayo. Huling tapak mo na sa akin ito. Sa susunod na tatapak ka ulit sa akin sinisigurado ko mababaon ang paa mo. Break na tayo.** 

Linggo, Disyembre 1, 2013

Ang Pinto


Noon pa man, pangarap kong makapasok sa pinto mo. Gusto kong malaman kung anong mundo ang ginagawalan mo. Gusto kong maging parte ng mundo mo pero sa tuwing nagtatangka ako, sarado ito para sa ibang tao. Nung minsan namang bukas ito, hindi ako makalabas sa pintong napasukan ko. Yung panahong nakalabas ako parang wala ka ng balak magpa-pasok. Ilang beses akong sumubok kumatok, pinagbubuksan mo ako pero hindi mo ako pinatutuloy. Marahil ay hindi ka pa handa para sa panibagong taong papasok sa pinto mo. Ginawa kong tumambay sa tapat mo para sa araw na magbukas ka, makapasok ako. Pero sa tuwing nag-bubukas ka, hindi ako ang pinatutuloy mo. Tuwing nakikita mo ako hanggang sa labas lang pinto ang alok mo sa akin. Maluwag ko naman tinatangap iyon. Sapat na sa akin na kahit papano alam mong nag-aabang ako. Hindi ako napapagod o mapapagod mag hintay. Alam kong darating ang araw na tuluyan mo na akong papapasukin sa pintuan mo. Sa oras na iyon ipaparamdaman ko sayong hindi ka nagkamali ng taong pinapasok. Iingatan ko ang susi sa pintuan ng buhay mo.


**Gusto kong  malaman mo na noon pa man bukas na ang pinto para sayo. Ikaw lang ang hinihintay ko. Parangap kong maging iisa ang pinto nating dalawa.*

**Roman**

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

SANA PWEDE




1.) Hindi ko alam yung ginawa ko. Ginusto ko yun pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginawa ko. Ngayon na parang hindi maganda ang lahat at yung saya hindi pala sapat doon ko lang nakitang mali ang ginawa ko. Lahat ng saya ko noon sa kanya panandalian lang. Naiwan yung sakit na hindi ako masaya at hindi ko siya napapasaya. Yung nalaman kong ikaw pala, lumagpas ka na. Hindi na kita kinayang habulin. Nakalayo ka na.

Kung sana pwedeng ibalik yung dati, ibabalik ko kung anong meron tayo. Ibabalik ko yung oras na kahit ang bigat bigat na, nakakaya ko pa din kasi nandyan ka. Sana pwede pang ibalik yung oras na nandyan ka lang at kahit ganoon ka ka-busy darating ka. Sana pwede ibalik yung oras na wala tayong ibang ginawa kundi tumawa. Sana pwede pang maging tayo ulit. Sana pwede na ako nalang ulit. Sana ikaw nalang ulit.


2.) Bakit ba ganito parang wala tayong problema pero meron naman pala. Akala ko hindi ko nakita, nakita ko naman pala hindi ko lang tinignan. Naramdaman ko naman na pala, hindi ko lang pinansin. Hindi naman ako naging madamot. Sana pwede nalang akong maging madamot. Sana pwede maging mas matigas pa ako. Sana pwede na lang maging ibang tao. Sana pwede na lang na ibalik ang dati tulad ng hiling mo. Pero hindi na pwede, hindi pwede kasi hindi mo kaya. Hindi pwede dahil iba na ako. Hindi pwede kasi hindi tayo nagtatagpo. Sana pwede na  walang munang tayo. Sana pwedeng wala nalang balikan pero hindi nagkakalimutan. Sana pwedeng ganoon nalang. Sana pwedeng magka-intindihan tayo. Sana pwedeng ganito nalang muna tayo.

3.) Hindi ko alam kung paano ko itatago. Hindi ko alam paano pa ako magtatago. Lagi dumarating sa point na tuwing ininatago ko pag nandyan ka na, naipapakita ko pa din. Yung una hindi ko na alam yung ginagawa ko pero hindi ko naman pinagsisisihan yung nagawa ko. Hindi ko gustong baguhin ang mga pangayayri. Wala man kasiguraduhan ang lahat hindi ako natatakot, hindi naman ako dapat matakot. Ang hiling ko lang sana pwede mas smooth pa. Sana pwedeng walang hot and cold. Sana pwede na ganito lang. Sana pwede hindi na ito huminto. Sana pwede nandyan ka lang. Sana pwede na hindi na ito matapos. Sana pwede nalang.. Sana pwede.


*May mga sana na hindi pwede. May pwede pero hanggang ngayon sana pa rin. Kaya nga sana pwede kasi possible. Kaya nga sana pwede kasi sa ngayon hindi pa pwede. Kaya nga sana pwede kasi nanalig tayo. Kaya nga sana pwede kasi baka hindi talaga pwede..**

**Klemmer**