Usad Bangka - Mabagal pero sa dulo makakarating ka sa patutunguhan mo. Hindi minamadali ang buhay pero pwede nating gawin madali ang pamumuhay. Usag bangka ka man, kung alam mo kung saan ka pupunta, sigurado, makakarating ka. :)
Linggo, Oktubre 20, 2013
IKAW - SIYA - AKO
IKAW - Ikaw yung taong sobrang hindi ko makakalimutan. Ikaw lang yung taong minahal ko ng ganito, sobra pa sa sobra. Ginawa ko lahat, as in lahat lahat. Alam mo yan sa sarili mo. Hindi ako nagdamot sayo. Kung ano ang gusto mo, yun ang ginagawa ko. Hindi ko na nga na-coconsider kung gusto ko pa ba ang ginagawa ko kasi lagi IKAW yung iniisip ko. Akala ko kasi maganda yung ganon, yung bigay lahat. Yung maging best sa sarili kong paraan para sayo. Pero kulang pala, hindi pala sapat. Ikaw na nag-hingi ng SPACE - hindi kita pinagdamutan, ibinigay ko sayo ng buong buo at hindi ako nag dalawang isip kasi sabi mo kailangan mo. Tuwing sinasabi mo sa akin na kailangan mo ang isang bagay, ginagawan ko ng paraan - ibinibigay ko sayo kasi mahal kita. Kasi i wanted you to know that you deserve everything. Ikaw lagi mong sinasabi sa akin be at my best, but you know what? I'm at my best everytime na i'm with you. Hindi mo nakita no? Kasi hindi ako yung hinahanap mo. Ikaw yung pinaka minahal ko - ikaw din yung nanakit sa akin ng sobra. Sobrang sakit. Nakakalimutan ko na ang sarili ko dahil IKAW yung palaging iniisip ko. Wala e, tinamaan ako. Tumibok ng malupit sayo tong puso ko e. Yung totoo, hindi ko pinagsisisihan na binigay ko ang space na hiningi mo dahil doon nakita kong ano ako sayo. Nalaman ko kung hanggang saan ko kayang ibaba ang sarili ko. Ikaw ang rason kung bakit gusto kong mabuhay ulit sa ibang paraan, yung malayo sa kinahiligan kong buhay - malayo sa comfort zone ko. Kaya IKAW maging masaya ka okay? Isinasakrispisyo ko na ang lahat ngayon, B! Basta ikakasaya mo. Let all my sacrifices work. Please be happy.
SIYA - Siya yung consistent na nagiging butas sa atin. Pero hindi ko siya masisi, hindi kasi hindi ko alam kung alam ba niya ang nangyayari. Palaging siya. Siya ang dahilan kung ka nalito. Siya yung perfect na taong sumapal sa akin na hindi ako. Hindi ako. Ang masasabi ko lang sa kanya - alagaan ka niya. Siguraduhin niyang hindi ka masasaktan. Na hindi mauulit ang nakaraan. Siguraduhin niyang IKAW lang din. Ikaw lang at walang kung sinoman dahil kung merong iba pa at hindi siya sigurado. Hindi ko yun matatanggap kasi SIYA ang dahilan bakit wala ng IKAW at AKO .
AKO - Ako yung sa umpisa umaasa. Na sana one day, babalik ka. Pero parang hindi na. Yung nandoon ka sa space na ginagawalan mo, nakita ko na walang AKO sa buhay mo. Gustong sabihin na "Ako nalang" pero ang nangyayari sa actions mo laging "SIYA LANG." Masakit pero okay lang. Ako lang din naman ang aayos ng lahat ng ito. Kailangan ko lang tanggapin lahat na AKO nalang at wala ng IKAW. Sa totoo lang, pinaglalaban kita. Ginagawa ko lahat kahit sabi nila MALI na. Yung nakita ko, yung na-witness ko mismo in my own eyes. Daig ko pang ang nasaksak B. Sobrang sakit. Pero salamat kasi nagising na ako. Ano lang B, mahirap lang talaga kasi Buong buo ko ibinigay sayo lahat mula RESPECTO HANGGANG PAGTITIWALA. Ako yung TUMAWID sa linya between loving and stupidity. Hindi naman ako nag-sisisi B. Kasi di ba sabi ko sayo worth it ka.
**One day, iba na yung AKO na nakilala mo. Pangako. I'll be at my best for my own sake. Be happy, B.**
**Ikaw, Siya At Ako sana may lesson tayong nakuha dito, sa experience na ito. Maging masaya tayo ng hindi tumatapak ng iba. Itama natin yung mali natin. Maging mas mabuting tao tayo.**
P.S. B, hindi pa ito ang last. May open letter pa akong ginagawa para sayo. :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tama na R. :( She's happy and you should be happy as well.
TumugonBurahin-K
I ammend u for loving to the fullest..if that girl deserves to be happy therefore u too..its never to late to be happy..move on slowly but stand uo firmly!..God bless,make urself happy again:)
TumugonBurahinMaramign salamat! :) Dahan dahan nakakausad na ako. :) Salamat sa oras mong mabasa ang blog ko. :) God bless po!
Burahin