Lunes, Nobyembre 18, 2013

ANG LUMAYO



Ginawa kong abutin ka. Inabot kita. Hinahatak kita pabalik pero hindi ka nag-pahatak sa akin. Ibinaba ko ang sarili ko sayo para lang makuha kita ulit pero pinili mo akong bitawan. Binigay ko ang balikat ko sayo para hindi tuluyang mawala ang meron tayo pero tinangihan mo ako. Binigyan ko tayo ng pagkakataon pero siguro mali lang lahat, hindi pa ito ang tamang panahon.

Ngayon, Ako na yung Lumayo. Ako na yung nag-sara ng pinto. Umalis ako kasi kailangan kong lumayo sayo. Hindi ko gustong lumayo, hindi ko gusto lumipad palayo sayo pero hindi ko pwedeng ipilit na manatili sa tabi mo. Hindi pwede kasi hindi na tama.

Minsan naiisip ko ang buhay na iniwan ko, minsan magawa kong  balikan yung buhay na meron tayo. Minsan tumitingin nalang ako sa malayo. Napapa-isip na lahat ng ito ay tama para sa atin, para sa akin. Ginagawa kong mabuhay ng wala ka. Ginagawa kong mabuhay ng sobrang layo sayo kasi yun ang tama. Nagagawa ko ng maging masaya ng hindi ka kasama.

Hindi na ako tulad ng dati na isang halik lang ng hanggin na binulungan mo, tatakbo na ako agad papunta sayo. Yung hanggin na binulungan mo, minsan niyayakap ako at hinahalikan ako sa pisngi. Naakit ako, nagiging marupok ako sa iilang pagkakataon. Pero nagagawa ko ng ilayo ang sarili ko sa ganoon, nagagawa ko ng tangihan ang biro sa atin ng panahon.

Ako yung lumayo, ito kasi yung nakitang gusto mong manyari at ito lang din yung solusyon na magagawa ko para sa sarili ko. Wala munang ikaw, wala munang tayo. AKO lang muna. Malayo na ako sayo ngayon kung mahabol mo man ako baka hindi na kita pasabayin sa biyahe ko. Maabot mo man ako baka hindi na kita abutin. Ito na ang buhay na tinahak ko, mabagal lang ang usad ko pero nakatayo na ako.

**AKO ANG LUMAYO , ako yung pumili nito. Sa unang pagkakataon nakapag desisyon ako, na ako lang. Gusto kong tahakin yung landas na minsan nating pinangarap na hindi ka kasama. Gusto kong subukan lahat na ako lang muna.**

*Mahirap pero masarap.*

2 komento: