Lunes, Nobyembre 11, 2013

NATATANGING TAO


Napakaliit ng mundo. May nakakasalamuha ka na iba't ibang uri ng tao. May nakikilala kang bago at may mga nanggaling na sa nakaraan mo. Pero sa pagtatapos ng araw lagi tayong na-uuwi sa nag-iisa at natatanging tao sa buhay mo. Yung natatanging taong nandyan lang, napakalapit lang sayo pero hindi mo maabot. Nandyan lang pero hindi mo mahawakan. Nasa harap mo lang pero hindi mo mayakap. Gusto mong hawakan pero hindi pwede. Gusto mong yakapin pero hindi pwede. 

May mga taong nilalapitan ka at hindi nawawala sa tabi mo. Sila yung panibagong tao na gustong maging natatanging tao sa buhay mo pero hindi ka handa na maging sila yung natatanging tao para sayo. Yung mga taong handang sumalo ng lungkot at bigyan ka ng panandaliang saya. Pwede na sila e, pwede na sila pero hindi tama. Darating at darating ang oras na pagkatapos mong magamot ng panandalian, sa natatanging taong yun mo parin gustong mauwi. 

Yung natatanging taong may hawak ng puso mo pero hindi mo pwedeng makasama. Yung natatanging taong nag-turo sayong mag-mahal pero may mahal ng iba. Minsan nasasabi ko na lang tuwing nakikita ko ang larawan niya "Ayayay Pag-ibig! Kalma! Wag ka masyadong lumapit!<3" Siya talaga e. Kahit walang siya sa tabi ko, siya pa din yung gusto ko. Kahit walang siya sa piliing ko, siya pa din talaga yung natatanging tao.

Palaging siya! Palaging siya! Palaging siya yung bumubuo ng salitang PAG-IBIG! Kahit ganoon kalungkot, kahit ganoon kasakit - siya pa din talaga. Siya pa din yung natatanging taong gusto mong mahalin.


**Ikaw! Oo! Ikaw! Ikaw pa rin.*

1 komento:

  1. Why don't you fight for her? You will never know. Nsakatan ka na din naman, bakit hindi mo pa ituloy?

    TumugonBurahin