Sabado, Disyembre 21, 2013


You are the light in the dark,
the moon in the night.
The stars in the sky
and the shooting star.

You are the calm wave from the sea,
the perfect sand in the beach.
The music in the wind
and the beauty in the sunset. 

Your are the clouds in the sky.
Your sound is the music when you sleep beside me.
The sunrise begins when I woke up beside you.
You are the beauty in my everyday.

Your are everything normal that others may see
but I appreciate you beyond the beauty in your simplicity.
You are the magic in me.
You are the love inside of me. 

-RMCO


 





 

Martes, Disyembre 3, 2013

WALANG TITLE

Golden Rule : Kung ayaw mong gawin sayo, wag mong gagawin sa iba.

Hindi ko ugaling tignan ang mali sa ibang tao, depekto ko palang sulit na sulit na ako. Pagkakamali ko palang, punong puno na ako. Hindi ako perpektong tao, hindi ako ikaw na kayang itago ang depekto. Hindi ako siya na parang walang maling ginagawa sa mundo.

Ayaw kong sumakay sa mapanukso mong barko. Hindi ako nagmamadali, sukat ko ang tinatahak ko. Ikaw nalang muna dyan kasama ng mga mas matataas na tao, kayo nalang dyan sa hindi niyo barko. Ang paniniwala ko manatiling nasa baba habang buhay. Oo! Nais kong umangat pero mananatili ang paa ko sa lupa. Ang lahat ng meron ako pinag-hihirapan ko. Hindi ako matalino, diskarte at abilidad lang ang dahilan kung bakit tuloy tuloy ang biyahe ko. Walang shortcut sa dagat kung hindi ako magpupursige sa pag-sagwan, hindi ako uusad. Mabagal man ang usad ko, alam ko sa sarili ko kung saan ako patungo.

Ang nais ko lang malaman mo, sa sobrang talino mo nakalimutan mo ng mag-isip. Parehas lang tayo ng patutunguhan kaya maging humble ka. Manatili ka sa nakatapak sa lupa baka pag bagsak mo lahat ng meron ka bumagsak din sayo.

Ang tunay na yaman hindi sa kapal ng wallet nakikita, nasa tunay na taong nanatili pag wala ka ng pera. Tandaan mo, Ang yaman - panandalian. Ang kaibigan - habang buhay.


**Ayaw ko ng taong walang utang na loob nung panahon hindi mo makilala kung sino ka, ako lang ang nandyan para sayo. Wala ang mga putapeteng sosyal na mga kabisyo mo. Hindi kita sinusumbatan pinapaalala ko lang sayo. Huling tapak mo na sa akin ito. Sa susunod na tatapak ka ulit sa akin sinisigurado ko mababaon ang paa mo. Break na tayo.** 

Linggo, Disyembre 1, 2013

Ang Pinto


Noon pa man, pangarap kong makapasok sa pinto mo. Gusto kong malaman kung anong mundo ang ginagawalan mo. Gusto kong maging parte ng mundo mo pero sa tuwing nagtatangka ako, sarado ito para sa ibang tao. Nung minsan namang bukas ito, hindi ako makalabas sa pintong napasukan ko. Yung panahong nakalabas ako parang wala ka ng balak magpa-pasok. Ilang beses akong sumubok kumatok, pinagbubuksan mo ako pero hindi mo ako pinatutuloy. Marahil ay hindi ka pa handa para sa panibagong taong papasok sa pinto mo. Ginawa kong tumambay sa tapat mo para sa araw na magbukas ka, makapasok ako. Pero sa tuwing nag-bubukas ka, hindi ako ang pinatutuloy mo. Tuwing nakikita mo ako hanggang sa labas lang pinto ang alok mo sa akin. Maluwag ko naman tinatangap iyon. Sapat na sa akin na kahit papano alam mong nag-aabang ako. Hindi ako napapagod o mapapagod mag hintay. Alam kong darating ang araw na tuluyan mo na akong papapasukin sa pintuan mo. Sa oras na iyon ipaparamdaman ko sayong hindi ka nagkamali ng taong pinapasok. Iingatan ko ang susi sa pintuan ng buhay mo.


**Gusto kong  malaman mo na noon pa man bukas na ang pinto para sayo. Ikaw lang ang hinihintay ko. Parangap kong maging iisa ang pinto nating dalawa.*

**Roman**

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

SANA PWEDE




1.) Hindi ko alam yung ginawa ko. Ginusto ko yun pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginawa ko. Ngayon na parang hindi maganda ang lahat at yung saya hindi pala sapat doon ko lang nakitang mali ang ginawa ko. Lahat ng saya ko noon sa kanya panandalian lang. Naiwan yung sakit na hindi ako masaya at hindi ko siya napapasaya. Yung nalaman kong ikaw pala, lumagpas ka na. Hindi na kita kinayang habulin. Nakalayo ka na.

Kung sana pwedeng ibalik yung dati, ibabalik ko kung anong meron tayo. Ibabalik ko yung oras na kahit ang bigat bigat na, nakakaya ko pa din kasi nandyan ka. Sana pwede pang ibalik yung oras na nandyan ka lang at kahit ganoon ka ka-busy darating ka. Sana pwede ibalik yung oras na wala tayong ibang ginawa kundi tumawa. Sana pwede pang maging tayo ulit. Sana pwede na ako nalang ulit. Sana ikaw nalang ulit.


2.) Bakit ba ganito parang wala tayong problema pero meron naman pala. Akala ko hindi ko nakita, nakita ko naman pala hindi ko lang tinignan. Naramdaman ko naman na pala, hindi ko lang pinansin. Hindi naman ako naging madamot. Sana pwede nalang akong maging madamot. Sana pwede maging mas matigas pa ako. Sana pwede na lang maging ibang tao. Sana pwede na lang na ibalik ang dati tulad ng hiling mo. Pero hindi na pwede, hindi pwede kasi hindi mo kaya. Hindi pwede dahil iba na ako. Hindi pwede kasi hindi tayo nagtatagpo. Sana pwede na  walang munang tayo. Sana pwedeng wala nalang balikan pero hindi nagkakalimutan. Sana pwedeng ganoon nalang. Sana pwedeng magka-intindihan tayo. Sana pwedeng ganito nalang muna tayo.

3.) Hindi ko alam kung paano ko itatago. Hindi ko alam paano pa ako magtatago. Lagi dumarating sa point na tuwing ininatago ko pag nandyan ka na, naipapakita ko pa din. Yung una hindi ko na alam yung ginagawa ko pero hindi ko naman pinagsisisihan yung nagawa ko. Hindi ko gustong baguhin ang mga pangayayri. Wala man kasiguraduhan ang lahat hindi ako natatakot, hindi naman ako dapat matakot. Ang hiling ko lang sana pwede mas smooth pa. Sana pwedeng walang hot and cold. Sana pwede na ganito lang. Sana pwede hindi na ito huminto. Sana pwede nandyan ka lang. Sana pwede na hindi na ito matapos. Sana pwede nalang.. Sana pwede.


*May mga sana na hindi pwede. May pwede pero hanggang ngayon sana pa rin. Kaya nga sana pwede kasi possible. Kaya nga sana pwede kasi sa ngayon hindi pa pwede. Kaya nga sana pwede kasi nanalig tayo. Kaya nga sana pwede kasi baka hindi talaga pwede..**

**Klemmer**

Lunes, Nobyembre 18, 2013

ANG LUMAYO



Ginawa kong abutin ka. Inabot kita. Hinahatak kita pabalik pero hindi ka nag-pahatak sa akin. Ibinaba ko ang sarili ko sayo para lang makuha kita ulit pero pinili mo akong bitawan. Binigay ko ang balikat ko sayo para hindi tuluyang mawala ang meron tayo pero tinangihan mo ako. Binigyan ko tayo ng pagkakataon pero siguro mali lang lahat, hindi pa ito ang tamang panahon.

Ngayon, Ako na yung Lumayo. Ako na yung nag-sara ng pinto. Umalis ako kasi kailangan kong lumayo sayo. Hindi ko gustong lumayo, hindi ko gusto lumipad palayo sayo pero hindi ko pwedeng ipilit na manatili sa tabi mo. Hindi pwede kasi hindi na tama.

Minsan naiisip ko ang buhay na iniwan ko, minsan magawa kong  balikan yung buhay na meron tayo. Minsan tumitingin nalang ako sa malayo. Napapa-isip na lahat ng ito ay tama para sa atin, para sa akin. Ginagawa kong mabuhay ng wala ka. Ginagawa kong mabuhay ng sobrang layo sayo kasi yun ang tama. Nagagawa ko ng maging masaya ng hindi ka kasama.

Hindi na ako tulad ng dati na isang halik lang ng hanggin na binulungan mo, tatakbo na ako agad papunta sayo. Yung hanggin na binulungan mo, minsan niyayakap ako at hinahalikan ako sa pisngi. Naakit ako, nagiging marupok ako sa iilang pagkakataon. Pero nagagawa ko ng ilayo ang sarili ko sa ganoon, nagagawa ko ng tangihan ang biro sa atin ng panahon.

Ako yung lumayo, ito kasi yung nakitang gusto mong manyari at ito lang din yung solusyon na magagawa ko para sa sarili ko. Wala munang ikaw, wala munang tayo. AKO lang muna. Malayo na ako sayo ngayon kung mahabol mo man ako baka hindi na kita pasabayin sa biyahe ko. Maabot mo man ako baka hindi na kita abutin. Ito na ang buhay na tinahak ko, mabagal lang ang usad ko pero nakatayo na ako.

**AKO ANG LUMAYO , ako yung pumili nito. Sa unang pagkakataon nakapag desisyon ako, na ako lang. Gusto kong tahakin yung landas na minsan nating pinangarap na hindi ka kasama. Gusto kong subukan lahat na ako lang muna.**

*Mahirap pero masarap.*

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

PARA KAY BOSS



Dati gusto kong bumalik sa loob ng kahon na kinabibilangan ko. Yung dumating ka sa buhay ko, Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko parang bigla akong naka-ahon at nakabangon sa hindi inaasahan pag-kakataon. Akala ko mapapagod na ako pero hindi, hindi ako napagod. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi kasama kita. Ikaw na hindi ko akalaing kakapitan ko. Inabot mo ako, hinawakan mo ang kamay ko at inalalayan mo ako. Akala ko noon hindi pwede at impossible mangyari pero hindi pala totoo yung salitang impossible lalo na pag ikaw yung taong nasa tabi ko.

Iba ang pakiramdam ko pagkasama kita parang kahit puro negative ang nasa paligid nagiging positive pa din. Kahit malungkot na nagagawa ko pa din maging masaya. Kahit hindi naman nakakatawa nagagawa ko pa din tumawa. Kahit kulang sa pahinga nagagawa ko pa din maging masigla. Iba yung spirit sa palagid pag nandyan ka sa tabi ko. Lahat nagagawan ng paraan, Lahat nagiging magaan. 

Hindi ko akalaing sayo ako makakuha ng ibang landas. Hindi ko nakitang sayo pala ako huhugot ng lakas. Hindi ko pinagsisisihan yung araw na tuluyan ko iniwan yung nakaraan. Kung hindi ko ginawa yun hindi ko malalamang may taong katulad mo. Hindi ko alam kong paano ako makakausad noon pero yung binagyan mo ako ng oras, ibang iba na ako ngayon. Iba na ako dahil sayo. Masaya ako ng dahil merong isang ikaw sa buhay ko ngayon. Salamat Boss.


**Boss, Gusto kong malaman mong sobrang laking tulong mo sa akin. Gusto kitang yakapin.**


Martes, Nobyembre 12, 2013

CRUSH LANG KITA NOON

CRUSH! CRUSH! Yung umpisa palang humahanga na ako sayo. Hindi mo ako kilala noon pero kilala kita. Madalas kitang napapansin, madalas nga din akong nananalamin baka kasi bigla mo din akong mapansin. Tuwing nakikita kita sinusundan kita ng tingin. Nililingon kita at tinitignan hanggang makalayo sa amin. Hinihintay ko yung oras na mapansin mo ako at tanungin mo naman yung pangalan ko. Pero hindi pa yata oras, wala sa timing lahat. Hindi pa swak.

Nabuhay akong kilala kita kahit hindi mo ako kilala. Hindi ko naman inikot sayo ang mundo ko, nagawa kong mag-welcome ng ibang tao. Yung taong binigyan ako ng pansin yung mga panahong hindi mo ako mabigyan kahit isang tingin. May mga nagdaan na kung minsan kay tagal at minsan may mga dumadaan na talagang hindi nagtatagal.

Yung mga panahon hindi na kita masyadong naiisip o napapasin doon naman dumating yung oras na bigla mo akong binigyan pag-tingin. Ito na! Bigla mo ng tinanong ang pangalan ko - pakiramdam ko tinatanong mo na  kung pwede na ba akong maging parte ng buhay mo. Sa bawat araw na binibigyan mo ako ng atensyon mo yung ngiti hindi nawawala sa labi ko. Tuwing nakikita kita, iba na ang pakiramdam ko.

Ibang iba na ngayon, dati dinadaanan mo lang ako. Ngayon, nilalalpitan mo na ako. Dati ni ngiti hindi mo mabigay sa akin. Ngayon, tumatawa ka na kasama ko. Dati hindi mo ako pinapansin. Ngayon, lagi ka ng nakatitig sa akin. Crush! Crush! Crush lang kita noong bata pa tayo. Ngayon, may ikaw na at ako. Meron ng TAYO!

Timing! Timing ang lahat between you and me. Wala akong hiniling pero binigay ka na ni GOD sa akin.


+Ang Love hindi pinipilit kasi nandyan na yan. God has his perfect time when it will be blossom.+

**Inspired by P and Y. Eh yung totoo, ang cool ng love story nyo. Nakakakilig kaya. Happy for the both of you.**

Lunes, Nobyembre 11, 2013

NATATANGING TAO


Napakaliit ng mundo. May nakakasalamuha ka na iba't ibang uri ng tao. May nakikilala kang bago at may mga nanggaling na sa nakaraan mo. Pero sa pagtatapos ng araw lagi tayong na-uuwi sa nag-iisa at natatanging tao sa buhay mo. Yung natatanging taong nandyan lang, napakalapit lang sayo pero hindi mo maabot. Nandyan lang pero hindi mo mahawakan. Nasa harap mo lang pero hindi mo mayakap. Gusto mong hawakan pero hindi pwede. Gusto mong yakapin pero hindi pwede. 

May mga taong nilalapitan ka at hindi nawawala sa tabi mo. Sila yung panibagong tao na gustong maging natatanging tao sa buhay mo pero hindi ka handa na maging sila yung natatanging tao para sayo. Yung mga taong handang sumalo ng lungkot at bigyan ka ng panandaliang saya. Pwede na sila e, pwede na sila pero hindi tama. Darating at darating ang oras na pagkatapos mong magamot ng panandalian, sa natatanging taong yun mo parin gustong mauwi. 

Yung natatanging taong may hawak ng puso mo pero hindi mo pwedeng makasama. Yung natatanging taong nag-turo sayong mag-mahal pero may mahal ng iba. Minsan nasasabi ko na lang tuwing nakikita ko ang larawan niya "Ayayay Pag-ibig! Kalma! Wag ka masyadong lumapit!<3" Siya talaga e. Kahit walang siya sa tabi ko, siya pa din yung gusto ko. Kahit walang siya sa piliing ko, siya pa din talaga yung natatanging tao.

Palaging siya! Palaging siya! Palaging siya yung bumubuo ng salitang PAG-IBIG! Kahit ganoon kalungkot, kahit ganoon kasakit - siya pa din talaga. Siya pa din yung natatanging taong gusto mong mahalin.


**Ikaw! Oo! Ikaw! Ikaw pa rin.*

Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

WALA NG TAYO pero TAYO PARIN


Bumalik ka pero tumangi akong i-welcome ka. Sinubok mong bumalik ulit kahit alam mong meron na akong iba. Hindi kita pinili dahil sa kanya at dahil mali na. Ilang beses mong sinubok na makita at makausap ako pero pinutol ko ang lahat sa atin. Sa madaling salita, Tinalikuran kita sa napaka daming pag-kakataon.

"Nasaktan kita. Nasaktan mo ako. Nagkasakitan na tayo. Tapos na tayo doon." Parehas tayong naniniwala sa prinsipyong ito. Isang bagay na nagustuhan ko sayo. Sa panahong hindi ko ginawang sabihin sayo ang pinagdadaanan ko dahil sa hiya. Kusang dumating ang tulong mo - ibinigay mo ng buo ang ORAS mo. Sa kabila ng lahat nagawa mo akong kausapin na parang hindi tayo nakasakitan. Doon ko naramdaman ang tibay ng Isang taon at anim na buwan nating pagsasama noon.

Ikaw pa rin yung taong laging nagsasabi sa akin "sobrang bait mo, inaabuso ka ng tao." at ang pinaka masarap sa lahat "Tanga ka kasi." Hindi ikaw si Kyle na minahal ko kung hindi ko maririnig sayo yang mga salitang yan. Nagbago ang pananaw mo sa buhay pero hindi nagbabago ang pakitungo mo sa akin. Tinuturing mo parin akong si Rolyn ang X mong bading!

Nag-gagaguhan pa din tayo. Nagagalit pa din tayo sa isa't isa. Nag-aaway pa rin tayong dalawa. Wala ng tayo pero parang wala naman nagbago sa atin. Ganoon pa rin ang turingan natin, ikaw at ako tandem pa rin. Tandem pa rin sa pananaw sa buhay. Tandem pa din sa bagong darating sa ating buhay. Wala ng tayo pero tayo pa rin ang nag-iindinhan. Wala na tayo pero tayo parin yung sa huli, nag-uunawaan. Wala ng tayo pero tayo pa rin yung hindi nawawalan ng pagmamahalan. Wala ng tayo pero tayo parin ay mag-kaibigan.


**WELCOME BACK TO MY LIFE K! SORRY IF I  NEGLECTED YOU. Salamat sa bawat gabing hindi mo muna pag tulog para makausap ako sa pag-gising ko. Salamat kasi hindi mo nagawang talikuran ako. Ikaw pa mismo ang umabot sa akin. Katulad mo handa din akong ibigay ang oras ko sayo. Mahal kita hindi dahil nandyan ka. Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Mahal kita kasi minahal na kita.**

**Sa lahat, hindi impossible na maging kaibigan mo ang X mo. Nasa pinagsamahan yan. It's how much you value the relationship you had together. It's how much you value the person you've been with. It's a matter of time and the happy memories.**

Linggo, Nobyembre 3, 2013

I'M BROKEN BUT I'M STILL BLESSED

Love and Misadventures by Lang Leav
=================================================================
THE BITS AND PIECES
=================================================================


Someone that I really love the most breaks my heart. I remember the day she told me "I love you to bits and pieces and no one can ever replace you!" This was her anniversary message to me. The sweetest message I ever received from her. And I don't know what happened to us. In just a snap, GUMUHO LAHAT. She breaks me in to bits and pieces.

She is not the first person who break my heart but she is the only person I love this much. Every day, I'm asking myself what I did wrong. I came to the point that I asked God "WHY?" At first, I'm so upset. Because I know, I don't deserve what is happening to me. I can't accept the fact that the person I loved the most, dropped me! As time goes by, I discovered all her shits but I still chose to close my eyes because I trusted her. What hurts the most is while I'm having the hard time to get through out of the pain, she is having the best moment of her life. I don't know what to feel. Will I be mad? Or Will I be happy because she is being happy? Dahil doon, NAGISING AKO.

I pulled back. I find time for myself to re-think what happened and think what else I can do for myself. Some say "You Quit! You give her up the moment you take a rest away from her." Quitting is not part of my vocabulary. I just took some rest but I never quit. I have to help myself as well.

==========================================================
LOVE UNCONDITIONALLY 
==========================================================

CONVO:

K: "Is she worth it?"
Me: "Yes! Why she will not be worth it? I experienced a lot of things with her. She made my dreams came true. She had been there for me. She helps me a lot. She became the reason of my happiness and the source of my strength. So, Yes! She is worth the pain."
K: "Why you let her go?"
Me: "Because I love her so much and I want her to be happy."
K: "Very Unconditional love huh?"

"Unconditional, unconditionally
I will love you unconditionally
There is no fear now
Let go and just be free
I will love you unconditionally.."
 
"Come just as you are to me
Don't need apologies
Know that you are unworthy
I'll take your bad days with your good
Walk through this storm I would
I'd do it all because I love you, I love you"
-Katy Perry


Loving someone unconditionally is one of the best and sweetest ways to let them know they are special. Simple and small thing can make someone feel that your love is pure. Loving someone unconditionally is a voluntary act. The gestures and actions come from your heart. We cannot pick who will be the one that we can love unconditionally. Loving someone is not a picking game. Everyone deserves to be love unconditionally. Yes! Everyone.

Everyone is worth it. Worth the wait, worth fighting for, worth sacrificing for, worth the trust, worth to be love unconditionally. It's all up to them how they will treasure and hold on to the worth you gave them.

===========================================================
I'M BROKEN BUT I'M STILL BLESSED
===========================================================

I'm broken but I'm still Blessed for having the best love support system. My Family, friends and special someone. I'm blessed to have them in my life.

I'm broken but I'm still Blessed - Bless because I have new friends, Hindi man sila naging BUO sa akin  pero those person never leave me behind when i needed someone to talk, nandyan sila. They know who they are.

I'm Broken. I'M BLESS. Someone I overlooked is willing to put back all the pieces of my heart together. How sweet it is to have a person like her in my life. I always turned my back to her but she never get tired of waiting.

I"M BLESS. WE ARE BLESSED. At the end of the day, you will realize how lucky you are to leave another day. Every morning you wake up is a blessing. Another day for us to appreciate life and discover things we didn't see the last day we woke up.

===========================================================
FALL IN LOVE AGAIN =========================================================
We've all been there. (Being heartbroken) 

We've suffered enough. Don't let the pain remain forever. Let it go. Let go all the pain and let go the person that caused you pain. Don't let the pain stop you from loving. Fall in love again. Loving someone is the best feeling ever. Why you have to stop yourself from loving someone? Sumugal ka na kung sa tingin mong panahon na para mag-karoon ka ng bagong makakasama.

WAG MONG PAGDAMUTAN ANG SARILI MONG LUMIGAYA. NAPAKA SARAP MAG-MAHAL at NAPAKA SARAP MAHALIN.


===========================================================
GOD IS GOOD ALL THE TIME
===========================================================

In every obstacle, we struggle to stand up immediately. But don't give up. Though you are in pain, slowly in your own little way, stand up. Never questions God actions (that is the moral lesson in my story). There are times that GOD will put us at our worst only for us to find out "HOW STRONG WE CAN BE." He knows what he is doing. GOD IS GOOD ALL THE TIME.



**Mabuhay tayong masaya. :)**

Huwebes, Oktubre 31, 2013

GANITO NALANG TAYO


Bukod sa Bestfriend mo at close friends, There is one constant person na laging nandyan every time na lugmok ka. Yung taong handang iwan yung ginagawa niya at yung mga kasama niya isang tawag mo lang. Yung tipong nakikipagtalo sa partner nila at sasabihin "Kailangan niya ako." Kahit hindi mo naman talaga hinihingi ang oras nila kusa nilang ibibigay sayo. Yung kahit hanggang hating gabi o hanggang umaga nandyan lang sa kabilang linya. Yung tanong daig pa ang nanay mo sa pag-kamusta sayo sa text. Yung taong never naging doubtful sa mga sinasabi mo, yung tanong laging nandyan lang kahit paulit ulit na yung sinasabi mo nakikinig pa rin. Yung tanong bigla kang sasampalin, sasabunutan, itutulak at yayakapin sa panahong umiiyak ka nanaman. Bigla kang hahalikan sa noo o sa ulo tapos sasabihin "Okay lang yan. Magiging maayos din lahat."

That one constant person is more than just a friend to you pero you never cross the line para maging lover. Yung role niya sa buhay mo ay shoulder to lean on, kamay na mahahawakan, likod na masasandalan at kaibigan na hindi mo magiging ka-ibigan. Siya yung noon pa lang tanggap na yung role na yun sa buhay mo pero umaasa pa din. Yung taong laging may pusong napapatay dahil palaging naghihintay sayo. Laging nagtatanong bakit hindi natin i-try? Bakit hindi ako na lang? Tayo nalang? Yung taong sobrang tibay ng loob sabihing "Handa akong maging REBOUND." Yan yung mga oras na nagiisip ka bakit nga ba hindi? Pwede naman.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PEKSMAN, sobrang walang kulang sayo. Sobra ka pa nga e. Minsan naiisip ko ng tawarin yung linya. Pumapasok na sa isip ko nasa hindi na ako tumingin ng iba. Sana yung nandyan ka sa harap ko, niyakap nalang kita. Sana nga tayo nalang kasi pwede naman. PERO HINDI TAMA. Hindi tama kasi mas may taong deserve maging partner mo. Hindi tama kasi broke ako. Hindi tama kasi nasa maling oras at sitwasyon tayo. Hindi tama kasi hindi ako buo. Hindi tama kasi siya pa din. Lagi kong sinasabi sayo at sa lahat WALANG SINOMAN DESERVE maging REBOUND. Hindi kita kailangan bilang REBOUND. Kailangan kita bilang aking PEKSMAN. Yung totoong taong hindi nagsasawa sa akin, yung kahit mali na nakikinig pa din. Ganito nalang tayo.


**Yung role mo sa buhay ko hindi lang pagiging kaibigan, Peksman. Ganito nalang tayo. Hindi man tayo pero merong tayo, merong ikaw at ako. Ganito nalang tayo. Tayong dalawa, hindi tayo mag-iiwan. Hindi tayo mag-hihiwalay. Ganito na lang tayo, ganito nalang Peks. Masaya naman tayo sa ganito.**

Miyerkules, Oktubre 30, 2013

PAGHABOL : 1 .. 20 .. 31

"Sobrang daming pagkakataon na inaabot ko siya pero ang taas niya. Hinabol ko pero ang layo na niya at parang hindi ko siya magawang maabutan pa. Grabe yung takbo niya, sobrang tulin at walang balak huminto. Nauubusan na nga ako ng gaas pero hindi naman ako tumitigil. Ito na kahit walang sasakyan pero hinahabol ko pa rin siya. Tumatakbo ako ng walang baong tubig. Tuloy tuloy lang ako at hindi tumitigil baka sakaling mawalan din siya ng gaas at magpang-abot kami. Baka sakali, baka pakinggang niya ako. Baka maisipan niya ulit isabay ako sa paglalakbay niya. Pero HINDI. Naabutan ko siya, huminto siya pero hindi niya ako sinama. Hindi niya gustong makasabay ako sa kanyang karera. Huminto ako pero hindi ako sumusuko. Ipinaglaban ko... Ipinaglalaban ko ang meron kami sa sarili kong paraan."


**Bro,ito yung ginagawa ko na ginagawa mo na ginagawa din ng iba. Wag kang sumuko. Wag kasi hindi dapat at baka pwede pa. Pero kung hindi na tama, TAMA na. Pwede ka ng huminto. **

Miyerkules, Oktubre 23, 2013

HALIKA DATE TAYO!

Dating is a form of courtship consisting of social activities done by two people with the aim of each assessing the others suitability as a partner in an intimate relationship or as a spouse . While the term has several meanings, it usually refers to the act of meeting and engaging in some mutually agreed upon social activity in public, together, as a couple. (origin : wikipedia)

Date (v) - to do an activity with someone you have might have a romantic relationship with : to go on a date or several dates with (someone). (origin : merriam-webster.com)

+================================================================+

DATE / DATING - malawak kasi itong salitang ito. I have my own definition and beliefs in terms of dating someone. I asked some of my friends about DATE at ito ang mga sagot nila. (sa baba)


GIRLS:

Marie Emmanuel: "Date is going out lang.. lagi akong nakkikipag date, sa family and friends. siguro ung iba kc may malice na ksma :)"

Bea Era: "To mingle? Alam nan natin kaibahan sa friends lang. Sgro pag we get too much excited about getting to know them more, or until the next date? Ewan ko lang."

KMC: "kasi to get to know the other person better or for fun lang."


BOYS:

Adrian G. : "Syempre kasi gusto mo yung girl haha tapos we stop dating a girl when we feel na walang pag asa."

Rob A: "I asked girls to go out with me if i like them. If nauulit ang paglabas namin  mga let's say more than 4-5 times. Iba na yun, we are investing for something serious na. Sa guys kasi if we dated girls once or twice lang, dalawa lang yan. First is we get what we want (you know what i mean) and 2 hindi siya interesting enough para maka-ulit pa."

Marco: "As an asshole, we date girls for you know after namin makuha yun, goodbye kiss na. As a gentleman, we date girls for serious relationship and nang-yayari lang yun if we repeatedly date the same girl more than the usual."


GAYS: 

Jhockah:  "Maraming klase and maraming meaning na pakikipag date. depende sa intention mo at sa taong gusto mong i-date. Ganoon lang."

Francis: "Kung lalaki ang date pakasaya lang. Kung gay naman kung madalas nauulit partnership/companionship na. Depende sa bakla beks."


SA AKIN kasi malaking DEPENDE salitang ito e. May tinatawag kasi tayong group date. Tadan! 
GROUP DATE

Ito yung group of friends kayong lumalabas para kumain, magkwentuhan at mag-inuman. Ano yan Boss depende kung sino ang nagyaya baka kasi you didn't know na bukod sayo may niyaya siyang iba at biglang naging group date na. :) Minumulat lang kita sa klase ng mga date. May tinatawag din kasi tayong FRIENDLY DATE.

FRIENDLY DATE

FRIENDLY DATE yan yung kahit ilang ulit kayong lumabas ay wala kayong ibang pinag-uusapan kung ang ibang tao at yung kanya kanya niyong buhay sa piling ng iba o buhay trabaho. Hindi ka tumatanging i-date siya kasi maganda yung companionship na binibigay niya sayo. Pag friendly date hindi yan nauulit ng twice a week. Kung maulit man yan ng twice a week, un at un pa din ang pinag uusapan niyo. Friendly date means you will not feel any malice from the person you date with. Regardless kung ka-kilala mo yan o hindi. You will feel it. Hindi yan katulad ng ROMANTIC DATE / EXCLUSIVELY DATING :)

EXCLUSIVELY DATING




ROMANTIC DATE / EXCLUSIVELY DATING - Ayan na yung sinasabi ng guys na they will not get along with the person na hindi talaga sila interested. Yan na din yung sinasabi ng mga girls na may malice - malice kasi hindi naman kayo lumalabas para kumain lang. Lumalabas para mas makilala ang isa't isa, dahil you like each other and/or you want to be with him/her. When to know if this is a romantic date? Simple, if he/she takes you out in different places na hindi usually pinupuntahan ng mag-kaibigan lang. Mararamadam mo all in plan lahat ng lakad nyo though kahapon ka lang niya tinanong na kung pwede kayong mag-date. You guys are exclusively dating na kung you see each other twice or thrice a week or 8-12times a month. Kung baga routine nyo na siya at sabi ng ni Ms. Bea Era "Pag nasa system mo na yung paglabas nyong dalawa." Of course yung actions nyo nag-iiba nag sisismula yan sa sabay lang kayong maglakad at habang tumatagal magkahawak na kayo ng kamay :) Mararamdam man mo yan Boss, Promise! Ibang usapan yan. Ngiting wagas ka nyan. (Kay tamis)  :)


**Wag kang matakot makipag date kasi doon mo masusukat ang sarili mo kung hanggang saan mo kayang makipag mingle at doon mo malalaman how likeable you are.  If na-reject ka, go on and ask someone else to date you. Wag kang maguguho Boss, try and try lang pero utang na loob wag ka naman umabuso. Wag lahat yayayain mong i-date ka. Ano may quota lang?

**Date is date. Minsan may malice minsan wala. You will know if the date is with romantic purpose if the person who ask you to go out, nagtanong ulit na kung pwede ba kayong lumabas dalawa habang hindi pa natatapos ang (current) date niyo. Amazing! :)**


P.S. pansinin mo mas matino sagot ng lalaki sa babae. haha :))

Linggo, Oktubre 20, 2013

IKAW - SIYA - AKO


IKAW - Ikaw yung taong sobrang hindi ko makakalimutan. Ikaw lang yung taong minahal ko ng ganito, sobra pa sa sobra. Ginawa ko lahat, as in lahat lahat. Alam mo yan sa sarili mo. Hindi ako nagdamot sayo. Kung ano ang gusto mo, yun ang ginagawa ko. Hindi ko na nga na-coconsider kung gusto ko pa ba ang ginagawa ko kasi lagi IKAW yung iniisip ko. Akala ko kasi maganda yung ganon, yung bigay lahat. Yung maging best sa sarili kong paraan para sayo. Pero kulang pala, hindi pala sapat.  Ikaw na nag-hingi ng SPACE - hindi kita pinagdamutan, ibinigay ko sayo ng buong buo at hindi ako nag dalawang isip kasi sabi mo kailangan mo. Tuwing sinasabi mo sa akin na kailangan mo ang isang bagay, ginagawan ko ng paraan - ibinibigay ko sayo kasi mahal kita. Kasi i wanted you to know that you deserve everything. Ikaw lagi mong sinasabi sa akin be at my best, but you know what? I'm at my best everytime na i'm with you. Hindi mo nakita no? Kasi hindi ako yung hinahanap mo. Ikaw yung pinaka minahal ko - ikaw din yung nanakit sa akin ng sobra. Sobrang sakit. Nakakalimutan ko na ang sarili ko dahil IKAW yung palaging iniisip ko. Wala e, tinamaan ako. Tumibok ng malupit sayo tong puso ko e. Yung totoo, hindi ko pinagsisisihan na binigay ko ang space na hiningi mo dahil doon nakita kong ano ako sayo. Nalaman ko kung hanggang saan ko kayang ibaba ang sarili ko. Ikaw ang rason kung bakit gusto kong mabuhay ulit sa ibang paraan, yung malayo sa kinahiligan kong buhay - malayo sa comfort zone ko. Kaya IKAW maging masaya ka okay? Isinasakrispisyo ko na ang lahat ngayon, B! Basta ikakasaya mo. Let all my sacrifices work. Please be happy.

SIYA - Siya yung consistent na nagiging butas sa atin. Pero hindi ko siya masisi, hindi kasi hindi ko alam kung alam ba niya ang nangyayari. Palaging siya. Siya ang dahilan kung ka nalito. Siya yung perfect na taong sumapal sa akin na hindi ako. Hindi ako. Ang masasabi ko lang sa kanya - alagaan ka niya. Siguraduhin niyang hindi ka masasaktan. Na hindi mauulit ang nakaraan. Siguraduhin niyang IKAW lang din. Ikaw lang at walang kung sinoman dahil kung merong iba pa at hindi siya sigurado. Hindi ko yun matatanggap kasi SIYA ang dahilan bakit wala ng IKAW at AKO .

AKO - Ako yung sa umpisa umaasa. Na sana one day, babalik ka. Pero parang hindi na. Yung nandoon ka sa space na ginagawalan mo, nakita ko na walang AKO sa buhay mo. Gustong sabihin na "Ako nalang" pero ang nangyayari sa actions mo laging "SIYA LANG." Masakit pero okay lang. Ako lang din naman ang aayos ng lahat ng ito. Kailangan ko lang tanggapin lahat na AKO nalang at wala ng IKAW. Sa totoo lang, pinaglalaban kita. Ginagawa ko lahat kahit sabi nila MALI na. Yung nakita ko, yung na-witness ko mismo in my own eyes. Daig ko pang ang nasaksak B. Sobrang sakit. Pero salamat kasi nagising na ako. Ano lang B, mahirap lang talaga kasi Buong buo ko ibinigay sayo lahat mula RESPECTO HANGGANG PAGTITIWALA. Ako yung TUMAWID sa linya between loving and stupidity. Hindi naman ako nag-sisisi B. Kasi di ba sabi ko sayo worth it ka.

**One day, iba na yung AKO na nakilala mo. Pangako. I'll be at my best for my own sake. Be happy, B.**

**Ikaw, Siya At Ako sana may lesson tayong nakuha dito, sa experience na ito.  Maging masaya tayo ng hindi tumatapak ng iba. Itama natin yung mali natin. Maging mas mabuting tao tayo.**


P.S. B, hindi pa ito ang last. May open letter pa akong ginagawa para sayo. :)





Miyerkules, Oktubre 16, 2013

ANG NANG-IWAN at ANG INIWANAN


"ANG NANG-IWAN"

Kuhain natin ang Top5 reasons bakit may taong nang-iiwan.

1. Hahanapin ang sarili / SPACE
2. Fall out of love
3. It's not you, It's me!
4. Meron ng Iba
5. Family/Friends/Priority in life





GASGAS na pero baka totoo. At ang totoo, one sided tayo dito?
Hindi natin agad maiisip ang maaring pinag dadaanan ng mga taong nang-iwan.
Pero naisip mo ba Baka naman kasi sa SPACE na hinihindi niya doon niya makilala kung sino talaga siya? Baka naman kasi tayo na lang ang nag-mamahal sila hindi. Nabulag tayo at hindi na natin nakita kung masaya pa ba sila. Kung love pa ba talaga ang dahilan bakit natin sila kasama. Pag sinabi nila sayo na "It's not you, It's me!" Maniwala ka dito, totoo yan. Lalo na kung alam mo sa sarili mo as a partner nagawa mo lahat for him/her. So, hayaan na natin sila. Meron ng IBA, majority naman ito yung root bakit nawawala ng taong mahal mo sa sarili nila.Pero again, we don't know anong pinagdadaanan nila. Family/Friends/Priority in life - Medyo mahirap kalaban yan. Family - Blood is thicker that the water. Friends - relationship ends but friendship never ends. Priority in life - Medyo unfair ito. Lalo na kung katulad kita, na never nag demand maging number one sa priority list ng partner mo. Yung tipong walang pakialam. Yung parang walang pangarap pero tahimik palang gumagawa ng sariling daan para sa better future niyo together. Ito baka di ko matangap pag ganito ang rason sa akin. (Bitter mode activated ako niyan. haha ) Pero ikaw, ano ba talaga ang naging plano mo? May plano kaba talaga para sa inyo? Baka kasi nakita niyang wala siyang future sayo. DREAM BIGGER DIN naman siguro ang PEG pag may time

Bottomline, don't judge them too much. We don't know anong pinagdadaanan nila. Kahit papaano may pinagdadaanan din sila. Yun nga lang sila mabilis ang moving on period nila. As in.

----------------------------------------------
"ANG INIWANAN"

ARRUYY!!! ARAYY!!! OUCH!!! IYAK!!! :'(

Yung totoo, ito yung sa dalawang party medyo dehado. Walang BIAS.
Subukan mo kayang maiwan. Yung tipong, okay lahat tapos bigla siyang
mawawala at hahanapin niya ang sarili niya. Sige anong reaction mo?
Wala di ba? Ipaglalaban mo yan kahit itinutulak ka na palayo. Mag-mamakaawa
ka para mag-karoon ng chance pero tatalikuran ka. Sasabihin pa kaming
hindi ka marunong tumupad sa usapan. Grabe!

Ito yung stage ng depression - hindi mo na maiiwasan. Ito yung moment na lahat nag cross na sa isip mo. Anong kulang sayo, sumaya ba siya sayo, ano bang nagawa mo, at maraming pang ibang tanong. Ikaw yung taong ayun oh! Nasa "ERE". Pwede bumagsak anytime at walang sasalo sayo. Sarap di ba?

Ang masakit kasi pag iniwan ka yung moment na malalaman mo everything is just a lie. Yung reasons niya, yung execuses niya. Almost everything. May reason para magalit ka. May reason para maging bitter. Pero yung totoo, unfair. Nagmahal ka lang pero sinsaktan ka pa. Nasaktan ka kasi mas gusto niyang magmahal ng iba. Mas gusto niyang maging siya muna ng wala ka. Ginusto niyang mabuhay na hindi ka kasama. Sobrang sakit di ba? After everything, lahat binigay mo pero wala siyang tinira sayo. Sabi nila its all in the mind daw (yung depression), yung hindi agad maka-move on. I said NO. It strikes us directly to our heart. At FUCK lang, after all. Mahal mo pa din siya (Aahhhh..)


-----------------------------------------------

**Para sa mga nang-iwan. You guys should be happy. Gawin niyong worthy ang pagmamahal na isinangtabi ng mga taong iniwan niyo para sa sarili niyong kaligayahan. Always remember, hindi niyo nakuha yang happiness na yan ng kayo lang. Nakuha niyo yan kasi may taong naisakripisyo o may tanong nagsakripsisyo para dyan. Kaya please lang maging masaya kayo. :)**

**Para sa mga iniwanan, I feel you. Lahat sa atin masakit, mula ulo hanggang puso. Isipin niyo nalang, tumulong tayo sa taong umiwan sa atin sa huling pag-kakataon. Ibinigay natin yung kung ano ang gusto nila. Ginawa mong maging isang mabuting nilalang. Hindi natin magagawang maging masaya agad agad, given naman yan. Sympre, Masakit at mahirap. Napakatagal na process para mag move on. Pero tandaan natin, INIWANAN lang TAYO, hindi nila inalis ang buhay natin. Humihinga pa tayo, kaya mabuhay tayo para sa sarili natin. At Wag na wag kang titigil mag-mahal. Tandaan mo, masarap ang mag-mahal. Napaka-sarap. :)**

Linggo, Oktubre 13, 2013

HINDI PA TAPOS

HINDI PA TAPOS

Wag niyo munang tapusin
Hayaan oras ang magsabi sa atin
Pwedeng matuloy yung sa amin
pwede ding matapos sa pag-amin.

Wala pang natatapos. Hindi pa tinatapos.
Pwedeng hindi matapos. Pwede pang mairaos.
Medyo namamaos. Medyo kinakapos.
Wag padalos-dalos. Kalma lang boss.

Oo, darating yung oras na "THE END" na
pero wag muna may dalawang "WEEKEND" pa
Parehas lang tayo hindi natin alam what will "HAPPEN"
Malay mo mauwi sa let go back "THEN?"

** May nakikita ako. OO, Kitang kita ko pero wala akong naririrnig. Wala akong marinig. Gustong kong wag ng maghintay at alamin na kung anong yung nagyayari pero part me laging sinasabi "NO". Kaya sige mag-hihintay ako. Maghihintay ako hanggat kaya ko. Maghihintay ako hanggang maging okay ka ng sabihin yung nasa loob mo.**

Huwebes, Oktubre 10, 2013

PARA SAYO


Ang daming salita sa utak ko
lahat yun akma para sana sa iyo.
Ang hirap lang lahat ng salitang iyon nakatago,
nakatago kasi hindi swak sa oras na ito.

Ang hirap pala ng ganito
pinaramdam ko iba na ang gusto mo
parang wala na yung ating  mga plano.

Pakiramdam ko lahat ng aksyon ko mali.
Alam mo gusto ko parin sayong matali.
Pero parang ayaw mo na akong manatili.

Ang hirap lang kasi parang ang layo mo na
Parang hindi na ikaw si ********a.
Parang bigla ka nalang nawala.


**Ang best na mabibigay ko lang sayo, e yung ibigay itong hinihingi mo. Maghihintay ako hindi dahil sinabi mo. Maghihintay ako kasi yun yung pinangako ko sayo mula yung mag-umpisa tayo. Gusto kong malaman mo na Hindi mo deserve ang iwanan at worthy kang hintayin. Kahit linggon nalang ang makukuha ko galing sayo.. tatangapin ko. Tulad ng laging kong sinasabi sayo, Nandito lang ako at hindi ako mawawala sayo kahit saan ka man magtungo at hindi na ako ang kasama mo.**